Preamble
"ITIGIL ANG KASAL!" sigaw ko sa pinakamalakas na boses na umalingawngaw pa sa napakalaking simbahan.
Katulad ng inaasahan ay lumingon sa akin ang lahat pero hindi ko pa rin makita at makausap nang maayos ang bride at groom dahil ang haba ng pasilyo ng red carpet. Murmurs and stares were directed at me. But I didn't pay attention to any of that.
Dahan-dahan akong naglakad sa gitna habang nakakuyom ang mga kamao at nagtatagis ang bagang. Sa likod ko ay naramdaman ko ang pagdating ng mga kaibigan ko including Trisha who was a victim of the bastard groom.
Hinawakan ako ni Trisha sa palapulsuhan para pigilan. "Inah, tama na..."
Iwinaksi ko ang kamay niya at itinuon ang atensyon sa lalaking nakikipag-argumento ngayon sa bride. They are still so far from me that I can't see their expressions clearly.
Isang beses ko pa lang nakita ang fiancee ni Trisha at sa video call pa noong birthday niya kung kailan niya rin ipinakilala sa'min. At hindi ko inakalang sa ganitong sitwasyon ko siya makikita nang personal sa unang pagkakataon.
"How dare you to marry another girl and discard your fiancee," panimula ko na pinapatamaan ang lalaking nakatingin na rin sa'kin ngayon.
Masyado siyang malayo pero kitang-kita ko ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao sa magkabilang gilid niya.
Nagsimulang umingay ang buong paligid pero walang nagtangkang lumapit at pumigil sa'kin. Lahat ay nanatili sa kani-kanilang kinatatayuan at nagtatakang nakatingin sa'kin kasabay ng kanilang mga mapanuring tingin.
"Inah..." tawag ng mga kaibigan ko sa nag-aalalang boses pero hindi ko sila pinansin.
"Walang hiya kang lalaki ka! Ganyan na ba talaga kayo, ha? Bakit ba hindi kayo nakokontento? Ang kapal naman ng apog mo para saktan ang bestfriend ko!"
Hindi ako nakontento sa mahinang boses ko kaya naman ay halos maputol ang litid ko sa pagsigaw.
"You promised to marry her tapos ito? Nagpapakasal ka sa ibang babae? Gago ka pala, e! So ano 'yong kaibigan ko? Pinag-practice-an mo lang na pag-propose-an? Tapos sa iba ka magpapakasal? Sumagot kang walang hiya ka! Manloloko! Alam mo? Dapat binibendisyunan ang mga taong katulad mo na may nakakaputanginang kaluluwa! "
The audience gasped. I don't know whether it was because of the things I've said or because of my strong languange which is inappropriate for the place .
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga cellphone na nakatutok na sa'kin. Wala na akong pakialam basta ang importante ay maipagtanggol ko ang kaibigan ko.
Muli akong hinila ng isa sa mga kaibigan ko kaya inis ko itong hinarap."Hayaan niyo ako! Bakit ba kayo natatakot eh siya naman iyong mali dito!"
"Inah, kinukuhanan na tayo ng video at litrato dito! Tama na, nakakahiya na," wika ni Philippe na ikinataas ng kilay ko.
"Kung meron mang nakakahiya dito iyon ay ang hinayupak na groom na iyon!" bulyaw ko pa at tinabig siya.
Napahinto na lang ako sa gitna nang sampalin ng bride ang groom. "Fuck you for cheating!"
"I am not! I don't even know the-!"
Tss. Galing umarte.
"Hayop ka! All this time may fiancee ka na pala! Niloko mo ako! Ginago mo ako!"
Muli niyang sinampal ang lalaki at unti-unti na ring nagsipagdagsaan ang iilang kakilala nila doon.
If I was the bride I would do something more terrible than that. However, in the very first place I wouldn't marry a man like him.
"Manloloko! Sinungaling!"
"That is not true," wika ng groom sa isang mababa at baritonong boses.
Wait...
Pinaghahampas ng bride ang groom habang patuloy itong umiiyak. "Hayop ka! All this time minahal kita tapos ganito? Ginawa mo akong katawa-tawa, Felix! Hayop ka talaga!"
Felix...
"Kailan pa ito Felix?" tanong ng umiiyak na babaeng medyo may edad na. "I trusted you because I thought you wouldn't hurt my daughter tapos ganito! Hindi pa man kayo ganap na naikakasal ay may nangyayari nang ganito?"
"Tit-"
Hindi niya na natapos pa ang sinasabi niya nang suntukin siya ng isang lalaki. "Fuck you for hurting my sister!"
I heard my friends whispering curses to themselves. They feel sorry, when, on the contrary I feel triumphant.
Inaya na ng babaeng umiiyak ang bride na inalalayan pa ng lalaking sumuntok doon sa groom.
"I will pull out all my stocks and investment that I have in your company," wika naman ng isang matandang lalaki na sumunod sa papaalis na bride.
Maging ang ibang bisita ay sumunod sa pag-alis ng bride habang ang iba naman ay nanatili pang nakiusyoso.
Bahagya kong nilingon ang mga kaibigan ko sa likuran ko at nakitang pare-pareho silang tulala at gulat.
"Felix Roberto, you just brought shame to the family! How dare you do this shameful thing!" nanggagalaiting sigaw ng isang lalaking may edad na rin. Inaalalayan ito ng isang nurse at nakita ko kung paano manginig ang katawan niya sa galit. "Wala akong anak na pinalaking katulad mo! You are disgusti-"
"Roberto!" matinis na hiyaw ng isang babaeng humahagulhol matapos matumba ang matandang lalaki.
Naging dahilan iyon upang magkagulo ang lahat. Maging ako ay napilitang lumapit pa lalo at tumigil lang ako mga ilang hakbang mula sa kanila.
Pinalibutan ng lahat iyong matandang lalaking nawalan ng malay kabilang na ang groom.
"Dad!" he growled while shaking the old man.
"Dalhin na natin siya sa ospital!"
"Dad!"
Nagkagulo ang lahat at halos lahat ay nagtulong-tulong para buhatin iyong matandang lalaki at sumunod naman doon ang ibang bisita.
"Oh my gosh! This isn't good anymore," dinig kong singhap ni Trisha sa likod ko.
Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa'kin ang lalaki at tila slow motion naman na nalaglag ang panga ko.
Shit!
His eyes are fueling with rage and anger while I stood there dumbfounded and still cursing.
Hindi ito ang boyfriend ni Trisha!
Oh fucking shit! Wrong church! Wrong wedding! Wrong guy!
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...