Chapter 35

8.5K 136 1
                                    

Chapter 35
Lying

So that was what really happened in our next appointments. I just stayed with him doing nothing. Medyo hindi nga ako mapalagay doon dahil hindi talaga ako sanay na walang ginagawa. Masyadong nakakapanibago.

Hindi naman ganoon katagal ang mga biyahe dahil na rin nga hindi naman ganoon kalalayo ang lugar and to think na talagang naka-eroplano pa kami. Kahit na pwedeng-pwede namang magkotse o magbus na lang. I guess, ganito talaga kapag nasa matataas na antas.

"Aren't you even going to ask me why we are riding an airplane?"

Naguguluhan kong tinignan si Felix. As far as I can remember, I did asked him. But he seems to forget about it. Ipinagsawalang bahala ko na lang. "Bakit nga ba?"

Nasa La Union na kami ngayon at kumakain ng tanghalian sa isa sa mga mamahaling restaurant na nakaharap sa dagat. Pwede naman daw kaming mag-lunch doon sa eroplano na mismo pero siya rin iyong umayaw. Sabi niya kasi ay tutal nandito na rin naman na kami ay sulitin na namin ang pamamasyal kahit papaano.

We're already done in Batangas, Bulacan, Aurora and here. Ilocos Norte na lang ang natitira naming pupuntahan.

"Because I am really planning to bring you abroad."

Nabitawan ko ang kubyertos na hawak ko at nakaawang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata siyang tinignan. "A-ano?"

Tama ba iyong pagkakarinig ko? Pero imposible naman! Bakit niya naman ako dadalhin sa abroad?

On the second thought, I know he can without any sweat since he can easily pull connections to go out of the country and since he has an access. Pero... para saan? Bakit? Anong dahilan?

Inabot niya ang kamay ko na nakapatong sa mesa at hinaplos iyon gamit ang hinlalaki niya. And I don't know what's special with his touch that it gave me comfort. "Don't freak out. Wala naman akong planong masama. I just really thought to let you relax even for a while. You know travel and stuffs. Masyado ka kasing hardworking."

Something reacted wildly inside me. I never thought that he think of me that way although he already said it too many times. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam na may nakakakita at nakaka-appreciate kung gaano ako nagsisikap ng mabuti sa trabaho. I know my family appreciate my efforts and hardworks too even though they might not say it a lot of times since we are far from each other. Pero iba talaga kapag galing sa ibang tao.

Compliments from other people motivates me to do even more. To perserve more. And to be more.

"Bakit tayo pupunta ng ibang bansa? At saan naman?"

He shrugged, finally let go of my hand and sat back comfortably on his chair. "I don't know. Perhaps wherever you want? Just say the country and we are good to go."

Bahagya akong natawa. "Iba talaga kapag mayaman, 'no?"

We spent some more time sitting there and talking about random things. It feels really good to have him. Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na hindi rin naman kami ang magkakatuluyan sa huli ay hindi ko pa rin maitatangging masaya ako sa kanya.

I'm not that dumb to still fantasize about him when I know in the very first place where I stand. Mayaman siya, mahirap ako. Wala kaming pag-asa. It may sound cliche but stories like us are just for temporary. Darating at darating ang araw na maghihiwalay din kami. Dahil hindi kami magkapareho ng mundong ginagalawan. Hindi kailanman magtutugma ang mga mundong magkaiba katulad ng sa amin.

But for now I, wanna enjoy how it feels to be loved and to be taken care of.

Ilocos Norte was our last stop. Mabilis lang naman iyong naging pag-iikot namin doon sa site since mas maliit iyong branch kumpara doon sa iba. At dahil marami pa namang oras at maganda ang panahon nang hapong iyon ay nagdesisyon kaming mamasyal-masyal muna sa pangunguna na rin niya.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon