Chapter 44

7.7K 137 1
                                    

Chapter 44
Ngiti

Hindi rin kami nagtagal ni Felix sa bukid. Matapos niyang maitali ang kalabaw sa ilog ay umuwi na kami sa bahay. Nakabihis na ang lahat at nauna na nga raw sina Isah at Izzie kasama si Patty.

Mabilis naman akong nagbihis ng isang blouse at paldang lampas tuhod. Karamihan kasi sa mga damit ko ay mahahaba talagang palda at hindi rin naman ako nagsusuot ng mga shorts. Habang si Felix naman ay nakasuot ng polo na pinahiram sa kanya ni Ian at iyong pantalon na suot niya noong unang araw niya sa probinsya. Mabuti na nga lang at hindi masyadong nagkakalayo ang katawan nila ng kapatid ko dahilan para magkasya sa kanya iyon.

"Tara na?" aya ni Mama at isinara na ang pinto.

Pagdating sa simbahan ay marami ng tao at hindi maiwasang hindi mapatingin sa'min ang mga tao lalo na sa katabi ko. Ganito naman lagi rito sa'min sa tuwing may dayo, e. Talagang pinagtitinginan.

"I don't like the way the guys stare at you," bulong niya sa'kin.

"Sira. Ikaw ang pinagtitinginan ng mga tao at hindi ako."

Naramdaman ko ang mga daliri niya sa kamay ko at hindi ko maipaliwanag ang malakas na tibok ng puso ko nang pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

Pagkapasok sa maliit na simbahan ay dumiretso kami sa unahang upuan kung saan naghihintay sina Isah at Izzie. Natanaw kong sa likod nila ay nakaupo naman ang pamilya ni Patty.

Nagbatian ang lahat at panandaliang nagkwentuhan habang hindi pa nagsisimula ang misa. Hindi nagtagal ay dumating si Ate Irah na buhat-buhat ang pamangkin ko na si Cas na ngayon ko lang ulit nakita.

"'Ta 'Nah!" masayang sigaw niya nang makita ako at umambang bababa kaagad.

Three years old pa lang siya at hindi pa masyadong malinis magsalita kaya naman imbes na Tita Inah ay tanging 'Ta 'Nah lang ang naitatawag niya sa'kin.

Ibinaba siya ni Ate Irah at kaagad na tumakbo papunta sa'kin ang bata. Niyakap niya ako at malugod ko rin siyang niyakap pabalik.

"Hi, baby! Kiss mo si tita, dali!" Inilapit ko sa kanya ang kanang pisngi ko na kaagad niya namang hinalikan. "Sa kabila naman."

She giggled as she kiss me in the other cheek kaya naman pinugpog ko ng halik ang mukha niya. I miss this little niece of mine.

Tumigil ako at nag-angat ng tingin kay Ate. Tumingin siya sa'kin saka sinulyapan ang katabi kong si Felix na nakikipagngitian na sa bata.

"Ate, upo ka."

Umusog ako palapit lalo kay Felix para bigyan siya ng espasyo. Pero umiling siya.

"Doon na lang ako sa tabi nina Mama."

Tumango ako. "Pwede bang dito muna si Cas?"

Tipid siyang tumango at naupo katabi nina Mama at Ian. Binalik ko naman kaagad ang tingin ko kay Cas. Binuhat ko siya at pinaupo sa kandungan ko.

"Baby, namiss mo ba si Tita?" tanong ko sa bata.

She giggled then nodded.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil rin sa malawak niyang ngiti. Ang cute-cute niya talaga lalo pa't malaki ang pisngi niya dahil medyo chubby siya kaya hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na panggigilan siya.

Dumating ang pari at kaagad na kaming nagsipag-ayos. Nasa kabilang dulo sina Mama't Papa at sa gitna ang mga kapatid ko habang nasa kabilang dulo naman kami ni Felix.

Nasa kalagitnaan na ng misa nang maramdaman ko ang bigat ng pamangkin ko kaya bahagya akong umayos ng upo.

"Ako na," presinta ng katabi ko at binuhat palipat sa kandungan niya si Cas.

Akala ko ay iiyak ang bata dahil tinitigan niya si Felix pero makalipas ang ilang segundo ay ngumiti ito. At nakita ko rin ang malawak na pagngiti sa kanya pabalik ni Felix.

Cute.

Nakatayo kaming lahat nang umupo naman si Cas at nakita ko ang bahagyang pagpikit niya. Hinayaan ko na lang dahil hindi naman naglilikot. Itinaas ko na ang kamay ko para manalangin ng Ama Namin. Pero imbes na sa altar tumingin ay kay Felix ako napabaling.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang malapad siyang nakangiti sa'kin. I stopped singing the song when he mouthed 'I love you'. Ngumiti ako pabalik and mouthed 'I love you too'.

And as far as I can remember, that was the most amazing moment that has ever happened to me inside the church.

Tulog na si Cas hanggang sa matapos ang misa at kalong-kalong pa rin siya ni Felix. Unti-unti nang lumalabas ang mga tao sa simbahan pero ang pamilya ko ay nakikipag-usap pa sa iilang kakilala lalo na si Mama.

"Ate," kalabit sa'kin ni Ilene. "Pwede po ba akong bumili ng cotton candy?"

Iiling na sana ako dahil wala naman akong dalang pera nang maunahan ako ni Felix.

"Ilan ba gusto mo?"

"Bibilhan niyo po ako, Kuya?"

Nakangiting tumango si Felix. "Oo naman. Tara?"

Masayang sumama si Ilene kay Felix palabas. Akmang kukunin ko na sa kanya si Cas na tulog na tulog na pero umiling siya. Tinignan ko si Ate Irah at nakitang tumutulong siya sa pag-aayos ng altar. Kaya naman sumunod na lamang ako kina Felix palabas.

Nasa tapat na kami ng nagbebenta ng cotton candy nang lumabas din ang iba ko pang mga kapatid na sina Ian, Isah, Isaac, Izzie at Iloisa kasama si Patty.

"Kuya, buko juice lang akin!" ani Isaac na kaagad kong sinamaan ng tingin.

"Ako rin, Kuya Felix!" segunda ni Iloisa.

"Tumig-"

Hinawakan ako ni Felix sa palapulsuhan at nginitian. "It's okay." Inayos niya ang pagkakabuhat kay Cas. "Sige na. Bumili na kayo ng kahit anong gusto niyo at ako na ang magbabayad."

Kaagad namang naghiyawan ang mga kapatid ko. Tinitigan ko si Felix pero nagkibit balikat lang siya at ibinalik sa cotton candy ang atensiyon.

He's spoiling my family too much.

Hindi nagtagal ay lumabas si Ate Irah sa simbahan kasama sina Mama at Papa. Kaagad silang napatingin sa mga kapatid kong masayang kumakain at pumipili ng kung ano pang pwedeng kainin.

"Susmaryosep, bakit mukha kayong mga patay gutom na mga bata kayo?" gulat na tanong ni Mama nang makalapit sa amin.

"Mama, libre raw ni Kuya Felix lahat e!" masayang wika ni Iloisa.

"Naku, hijo pagpasensyahan mo na ang mga anak ko. Hindi mo na kailangang baya-"

Umiling si Felix. "Ayos lang po, Ma. Walang problema."

"See, Ma? Ang bait ni Kuya Felix, 'di ba?" sambit ni Izzie. "Kaya naman botong-boto ako sa kanya para kay Ate."

Napailing na lang ako sa tinuran ng mga kapatid ko na mas lalo pang naghiyawan dahilan para mas lalo pa kaming pagtinginan.

Naramdaman ko ang haplos ni Felix sa likod ko. "How about you? What do you want?"

Umiling ako. "Wala akong gusto."

"Wala? Ako? Hindi mo ako gusto?" tanong niya na tila nang-aasar.

Napanguso ako para pigilan ang ngiting gumagapang sa labi ko. "Tigilan mo ako, Felix."

He chuckled. "Oh. I love it when you blush, woman."

"Ikaw?" pag-iiba ko ng usapan. "Baka may gusto ka? Ako na munang bahala kay Cas."

He wiggled his thick eyebrows. "What if I say I want you?"

Umirap ako nang nakangiti. "Seriously, Felix. Stop with this thing."

"I love making you blush," he winked.

Umiling na lang ako at lumapit sa mga kapatid ko dahil ayokong makita niya kung gaano kalawak ang ngiti ko dahil sa kanya.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon