Chapter 27

8.9K 167 20
                                    

Chapter 27
Freaking Birthday

The next days was a blur. With an unknown and foreign feeling, ginaganahan akong pumunta sa kompanya lalo na ngayong malapit na matapos ang sarili kong opisina. It is located just outside of the office of Sir Felix.

"Hindi ka ba niya pinapahirapan?" tanong ni Kyla na nakaupo kaharap ko.

Dumaan silang tatlo nina Trish at Philippe kaya naman nandito kami sa opisina ni Lisa at kumakain habang nagkwe-kwentuhan. Lisa isn't back yet from their honeymoon in Norway.

Ang sosyal nga ni Sir Felix magbigay ng regalo. Imagine, two weeks stay in Norway with all expenses paid, may pa-pocket money pa! Kaya hindi na ako magtataka kung may mabuo ulit sina Lisa at Jacob, malamig pa naman d'on. Baka maging kambal na.

"Nope," sagot ko sa tanong ni Kyla. "He's actually kind but he always curse fuck."

"Does he always curse you?" tanong naman ni Trish na abala sa pag-aayos ng mga dala nilang pagkain.

I really don't know what got into them. First, they dropped by which is so unsual knowing how busy they are. Second, they brought a lot of foods. Third, they gave me something wrapped in colorful bags and papers.

"Kapag nagagalit lang talaga siya at hindi na rin naman na iyon masyadong nangyayari recently. He seems like in a good mood in these past few days."

Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya at naging ganoon nga siya kabait. Hindi na siya masyadong demanding at mabigat kung mag-utos. Mas maaga na rin siya kung dumating sa opisina at mas late na rin umuuwi. And he doesn't seem like he's in a bad mood recently. Sana nga lang ay magpatuloy iyon.

"So, ano na ang label niyo?"

Kunot-noo kong tinignan si Phil na nakaupo rin kaharap ko, katabi ni Kyla. "Label? Anong label?"

"Sigurado kang stuck na lang kayo sa secretary and boss level? Hindi na talaga kayo mag-u-upgrade? Final na?"

Tumawa ako. "Tigilan mo na talaga ang panonood mo ng mga K-Drama, Phil. Pati ako nasasali diyan sa imahinasyon mo."

"By the way, I wanna announce something," pagkuha ni Trish sa atensiyon ng lahat. "I'm in a relationship."

Napangiti ako. I know the lucky guy. And I know that she's already into it before she even announce.

"Nakamove-on ka na girl doon sa ex-fiancee mo?" muling tanong ni Phil.

Ang ex-fiancee niya na naging dahilan para mapunta ako sa kinalalagyan ko ngayon. But thinking about it, the incident somehow became a blessing in disguise.

Dahil kung hindi iyon nangyari ay malamang sa malamang na wala ako sa trabahong ito. Sa trabaho kung saan mas malaki ang kinikita ko na naging dahilan para mas masuportahan ko ang pamilya ko.

Some incidents are really a blessing in disguise indeed.

Tumango si Trish at ngumiti ng malapad. "Sobra. Nagkaroon ako ng trust issues but he overpassed it."

"Sino?" kwestiyon ni Kyla.

"Warren Collantes."

"Wait!" Nanlalaki ang mga matang tinignan ni Phil si Trish. "Warren? Collantes? As in iyong boss ko?"

"Yup," magaang wika ni Trish.

Ngumuso si Phil. "Akala ko pa naman single pa si Sir. Aakitin ko sana siya gamit ang beauty ko."

Umirap na lang kami at tumawa.

"Ako din," singit ni Kyla sa gitna ng tawanan namin.

"Aakitin mo rin sana si Sir gamit ang beauty mo?!" eksaheradang tanong ni Phil.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon