Chapter 45

7.7K 128 1
                                    

Chapter 45
Delikado

"Nasaan ang Kuya Felix mo?" tanong ko kay Ilene na naabutan kong tumatakbo na palabas ng bahay.

Tumigil siya at hinarap ako. "Umiigib po siya ng tubig."

Bahagyang kumunot ang noo ko. Ano na naman ba ang naisipan ng lalaking 'yon at nag-igib pa ng tubig. Balak ba niyang maging alipin habang namamalagi siya rito sa bahay?

"Ang mga Ate at Kuya mo?"

"Nasa trabaho na po si Ate Irah. Si Kuya Isaac at Ian naman po ay may aasikasuhin lang sa eskwelahan kasama si Ate Isah. Si Kuya Izzie naman po ay pumunta kina Ate Patty."

Tumango ako. "Ikaw? Saan ka pupunta?"

"Makikipaglaro lang po, Ate. Uuwi rin ako kaagad."

Tumango ako kaya naman ay kumaripas na siya ng takbo palabas ng bahay. Nakita ko ang mga kaibigan niyang nakaabang sa kanya sa aming bakuran.

Nasa likod ako ng bahay namin nagpuputol ng mga kahoy para may ipanggatong nang marinig ko ang pagdating ng kung sino. Liningon ko ang naglapag ng timba at nakita ang pawis na pawis na si Felix.

Pawis na pawis siya dahil na rin siguro sa pagpabalik-balik niya. Puno ang drum ng tubig kaya siguro ay kanina pa siya nag-iigib. Wala naman kasing ibang pwedeng nag-igib dahil kami lang ang nandito.

Nakasuot siya ng puting sando at pinaglumaang pantalon na mukhang pinahiram sa kanya ni Papa. Nakakaluskos hanggang tuhod ang pantalon.

"Bakit ka nag-iigib? Hindi mo naman kailangan gawin 'yan."

Sa halip na sagutin muna ako ay walang pag-aalinlangan niyang hinubad ang suot na sando at nakita ko kung paano gumalaw ang mga muscle niya sa braso. "Wala naman akong ginagawa."

I bit my lower lip as I steal a glance at his perfectly sculpted body. Siguro ay talagang nag-gi-gym siya dahil sa perpektong hulma ng katawan niya. Hindi naman kasi pisikalan ang trabaho niya.

Tumayo ako hawak ang bimpong nakasabit sa balikat ko at sinalubong siya. "Alam ko namang hindi ka sanay sa ganitong buhay at sa ganitong mga trabaho kaya hindi mo na kailangang magtrabaho rito," ani ko habang pinupunasan ang noo niya.

Hindi siya sumagot at tinitigan lamang ako. Binaba ko sa leeg at dibdib niya ang bimpo. Bahagya pang nanginginig ang mga kamay ko kahit na inosenteng kilos lang naman ang balak ko.

"Come to think of it, hanggang kailan ka ba dito? Hindi ka pa ba aalis?"

Hinawakan niya ang baywang ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. Kabaliktaran ng inaasahan ko ang amoy niya. Hindi siya amoy pawis imbes ay naamoy ko ang pamilyar niyang bango. Napanguso tuloy ako.

He always smells good. Nakaka-concious tuloy. Pawisan pa man din ako.

"Are you asking me to leave?"

Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Hindi naman sa gan'on. Alam ko lang kasing busy ka sa trabaho at marami kang kailangang gawin."

Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha ko at inilagay iyon sa likod ng aking tainga. "Does it bother you? Me, staying here?"

Marahan akong umiling. "The works you left is what bothers me. Matatambakan ka ng trabaho."

"I have Lisa to take over my job. Besides I'm enjoying my stay here with your family." Marahan niyang dinampian ng mababaw na halik ang labi ko. "Loosen up, okay?"

Tumango ako. Kinuha ko ang damit niyang sinablay niya lang sa balikat niya. "Magpahinga ka na at maglalaba lang ako."

"Sa batis ka ba maglalaba?"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon