Chapter 33
Baby"Let me," pag-agaw sa'kin ni Felix ng kahon na bubuhatin ko sana.
My own office is done kaya naman ngayon ay tinutulungan niya akong ilipat ang kakaunting gamit ko. Kahit na sinabihan ko naman na siyang kaya ko na iyong dahil kaunti lang naman ay nagpumilit pa rin siya.
"Excited na excited mailipat ng opisina si Mauve, Sir a," komento ni Lisa na nakahalukipkip sa swivel chair niya at kanina pa kami pinapanood.
Felix just glared at her then made his exit with my stuffs.
"Susunduin ka ba ulit ni Jacob para sa lunch?" tanong ko at umupo kaharap niya.
Tumango siya. "Sabi niya."
Ngumuso ako. "Hindi na kita nakakasabay kumain."
Ngumisi siya. "Andyan naman si Sir Felix."
Umirap ako. "Oh, Lisa. Stop with that teasing thing."
"Sus, kinikilig ka rin naman."
Napalingon ako kay Felix na muling bumalik. Namaywang siya at tumingin kay Lisa. "Huwag ka nang pumunta sa taas maliban na lang kung ipapatawag kita. Baka mapano ang baby mo."
But because Lisa is Lisa who has a pervert mind, she laughed. "Sigurado ka Sir na concern ka sa baby ko? O baka naman kayo ni Mauve ang gagawa ng baby at ayaw mong maistorbo ko kayo?"
Nakagat ko ang labi ko at pinandilatan siya. "Lisa," mahinang saway ko pa.
Bakit ba kasi ganito siya? Minsan nahihirapan akong makisama sa kanya dahil sa pagiging mapang-asar at pagiging makulit niya.
"I love to do that," baritonong utas ni Felix dahilan para mapalingon ako sa kanya. "We might make a dozen of babies."
Lisa laughed her ass off. Meanwhile, I am biting my lower lip because of the embarrassment. Bahagya kong sinamaan ng tingin si Felix. Pinatulan pa talaga ang mga pinagsasabi ni Lisa e!
Tumayo na ako at dinampot ang bag ko mula sa mesa ni Lis. "Whatever, Lis."
Nauna na ako kay Felix sa elevator at kaagad naman siyang nakasunod. This time, isang maliit na box na lang ang dala niya.
"Woman..." pagtawag niya sa'kin pagkasara ng elevator.
I looked at him and rolled my eyes.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. "What? Why are you acting like that all of a sudden?" he asked obviously amused with something.
Hindi ako sumagot at nauna nang lumabas para tumungo sa opisina ko. Inilapag ko ang bag ko sa swivel chair at inayos ang table ko.
Then suddenly, naramdaman ko ang matigas na dibdib niya sa likod ko. Nakapulupot sa tiyan ko ang mga kamay niya at nakabaon sa leeg ko ang mukha niya. Kaya naman hindi maiwasang magsipagtindigan ng balahibo ko tuwing nagpapakawala siya ng hininga.
"Did I make you uncomfortable with what I said? Hmm?"
"Bakit ba naman kasi pinatulan mo pa 'yong sinabi ni Lisa?" tugon ko.
I don't know how it happened but I feel open and comfortable with him in an instant. I mean, dati talagang na-a-awkward ako sa kanya pero ngayon wala ng awkwardness. I am completely myself. Siguro dahil na rin masyado na rin siyang open sa'kin ngayon.
"Sorry. Please don't be mad at me, wife."
Naramdaman ko ang pagdampi niya ng marahang halik sa leeg at panga ko kaya hindi ko napigilang mapakagat-labi. Damn him and his ability to make me hot!
![](https://img.wattpad.com/cover/225495432-288-k99540.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
Любовные романыAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...