Chapter 34

8.4K 137 1
                                    

Chapter 34
Worst

I don't exactly know what the problem is I just know that there is one. Masyadong abala si Felix at ganoon din si Lisa. At kahit na nga ako ang secretary ay wala pa rin akong masyadong alam dahil na rin puro paper works ang inuutos sa'kin. Not until one day Felix announced something.

"I need to go somewhere and unfortunately Lisa can't come with me due to her pregnancy." He took a deep breath and massaged his temple as he laid his back on his swivel chair. "I hope you won't mind if you go with me."

He looks so tired but he still manages to think about his works and responsibilities. Nahihiya na nga ako dahil ako itong bagong secretary pero pakiramdam ko ay wala akong pakinabang. Si Lisa pa rin kasi ang sinasama niya at kinakausap niya lalo na nitong nakaraan dahil nga sa isang problemang hindi ko naman alam.

"Ayos lang p-po. Trabaho ko naman iyon."

Hindi siya sumagot at ipinikit ang mga mata. Mukhang matutulog o iidlip pa ata dahil sa sobrang pagod. Ang alam ko kasi ay wala pa siyang tulog base sa kwento ni Lisa.

"Uh, gusto niyo ba ng kape?"

He heaved another sigh before nodding. "Yes to coffee, please."

I am excited and nervous at the same time when Felix informed me that he will bring me with him in visiting the branches of his cargo company. Although Lisa already oriented me about what should I do... I still feel anxious. Ito ang unang beses ko sa ganitong trabaho kaya natural lang naman siguro na kabahan ako dahil baka magkamali ako.

Sabi ni Lisa ay buwan-buwan daw ang ginagawang pagbisita ni Felix sa mga branch ng kompanya. At halos nauubos daw ang isang buwan nila sa pagbibisita pa lang dahil hindi naman iyon ganoon kadali. Kaya asahan ko na raw na magiging busy kami pareho ngayong buwan.

Hindi kasi talaga siya pwede ngayon dahil nga sa pagbubuntis niya lalo pa't may malalayong pupuntahan. Baka nga raw ay lumipad pa kami patungong ibang bansa dahil sa mga international branch. Excited ako dahil doon pero andoon pa rin talaga ang pangamba dahil pakiramdam ko ay may magagawa akong mali.

"Kailan ang uwi mo?"

Nag-angat ako ng tingin kay Trish na nakatayo sa harap ko at nagkakape. "Hindi ko pa alam. Depende raw."

Naikwento ko na sa kanya iyong tungkol sa magiging pag-alis ko kasama si Felix. Hindi pa nga lang alam nina Kyla at Phil dahil masyado pang busy ang dalawa kaya hindi pa kami nagkaka-usap. Pero sinabihan ko naman si Trish na kung hahanapin ako ng dalawa, na panigurado naman, ay siya na lang kako iyong magsabi at magpaliwanag.

Tumango-tango siya at yumuko. Ngunit nang muli akong tignan ay nakataas kilay na. "Kayong dalawa... lang?"

Napakagat ako sa labi at nag-iiwas ng tingin na tumango. Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain para maiwasan ang tingin niya.

"I just really hope you won't do something you'll regret in the end, Em."

I hope so, Trish.

"Don't worry, kaunti na lang naman pala ang pupuntahan niyo," imporma sa'kin ni Lisa nang magkita kami sa opisina niya ang araw bago ang alis namin ni Felix. "Nagpadala na pala siya ng mga tauhan sa ibang parte ng Luzon, Visayas, Mindanao at internationally na magvi-visit so hindi na kayo masyadong hectic."

"Kung gan'on saan na lang pala kami pupunta?"

"If my memory serves me right, Batangas, Bulacan, Aurora, La Union and Ilocos Norte na lang ata. I'm not that sure though baka may nakalimutan ako."

"Hindi naman sa nangingialam ako pero... bakit hindi niya na lang isinama iyong mga pupuntahan namin? Para tipid na lang sana at isahan."

Ngumisi siya. "Gusto ka lang ma-solo n'on at makasama kaya gumawa ng dahilan."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon