Special Chapter Part I

10.2K 128 6
                                    

Special Chapter I

"ITIGIL ANG KASAL!"

Marahas akong lumingon sa malakas na boses ng kung sino mang pangahas na iyon. Really?  Ngayon pa ba may e-eksena? Fuck it! I just want this fucking ceremony to end and now what? Maantala pa?

"How dare you to marry another girl and discard your fiancee."

Kunot noo kong tinignan ang malayong pigura ng babae. Who is she?

"Walang hiya kang lalaki ka! Ganyan na ba talaga kayo, ha? Bakit ba hindi kayo nakokontento? Ang kapal naman ng apog mo para saktan ang bestfriend ko!"

The fuck! Ano bang pinagsasabi niya?! Bestfriend niya?

"You promised to marry her tapos ito? Nagpapakasal ka sa ibang babae? Gago ka pala, e! So ano 'yong kaibigan ko? Pinag-practice-an mo lang na pag-propose-an? Tapos sa iba ka magpapakasal? Sumagot kang walang hiya ka! Manloloko! Alam mo? Dapat binibendisyunan ang mga taong katulad mo na may nakakaputanginang kaluluwa!"

Fuck! Wala akong maalalang nag-propose ako sa ibang babae! Kay Nabila lang!

Fuck shit! Kapag talagang nabulilyaso ang mga plano ko ay pagbabayarin ko ang babaeng ito!

Natulala ako sa kanya nang maglakad siya palapit sa altar. Napaawang ang labi ko habang maang na nakatingin sa kanya.

I just came back to my senses when a strong palm hit my cheek. What the actual fuck?! Did Nabila just really slapped me hard?!

"Fuck you for cheating!"

"I am not!" I retorted.  "I don't even know the-"

"Hayop ka! All this time may fiancee ka na pala! Niloko mo ako! Ginago mo ako!"

Muli niya akong sinampal at napatiim bagang na lang ako sa sakit. Namumuro na ang babaeng 'to! Lumapit na sa amin ang mga pamilya at kakilala namin pero wala pa rin siyang tigil sa pamimintang sa akin.

"Manloloko! Sinungaling!"

I clenched my jaw really hard. "That is not true."

Pero hindi siya nakinig sa akin. Sa halip ay pinaghahampas niya lalo ako habang umiiyak siya. Tangina! Wala akong pakialam kung umiiyak siya pero nasasaktan na talaga ako sa paulit-ulit na pagtama ng kamay niya sa mukha ko.

"Hayop ka! All this time minahal kita tapos ganito? Ginawa mo akong katawa-tawa Felix! Walang hiya ka..."

Naikuyom ko ang mga kamao ko lalo na nang sumali pa si Mrs. Scottoline. Why the fuck is she listening to this fucking intruder?

"Kailan pa ito Felix? I trusted you because I thought you won’t hurt my daughter tapos ganito! Hindi pa man kayo ganap na naikakasal ay may nangyayari nang ganito?"

"Tit-"

Pero hindi pa man ako nakakapagsimulang magpaliwanag ay tumama na ang isang kamao sa panga ko. Fuck! I will really bring that woman, who crashed, to hell with me.

"Fuck you for hurting my sister!"

Inaya ni Luis ang kapatid niyang humahagulhol. Ilang mura na ang napapakawalan ko sa utak ko dahil hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. I can't handle it if it gets worse!

"I will pull out all my stocks and investments that I have in your company."

Napatanga ako sa sinabi ni Mr. Scottoline. Come again? He will pull out all his stocks and investment in my company?!

Fuck! Nasira na talaga ang plano ko!

"Felix Roberto, you just brought shame to the family! How dare you do this shameful thing!"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon