Chapter 40

8.2K 143 7
                                    

Chapter 40
Felix

Naramdaman ko ang pagiging kapos sa hangin habang walang tigil na umiiyak. Patuloy akong nag-i-impake kasabay ng rumaragasang mga luha.

It happened! The day I feared the most just fucking happened!

Katulad sa mga pocketbooks na nababasa ko, dumadating ang isang bagong karakter o bumabalik ang dating karakter kapag masaya na ang parehong bida. And in my case, I'm not even freaking sure if both of us became happy!

Just fuck it! Fuck this! Fuck life! And fuck my fucking self!

Nanghihina akong napaupo sa kama. Ilang ulit kong sinuntok ang dibdib ko para mawala ang sakit pero tila lalo lang iyon nadadagdagan. At sa bawat sakit na sumasalakay ay mas lalo lang iyong nadudurog.

Bakit ba kasi ako umiiyak ngayon? Kasalanan ko naman talaga! Ilang beses na akong pinaalalahanan ni Ate Irah na huwag magmamahal ng mga lalaking kagaya niya. Kasi kahit kailan hindi ako makakapantay sa kanya. Sure, I already touched and reached him but that was just temporary. I can't hold onto him until the end.

Ilang beses na rin akong sinabihan ni Trisha na humingi ng label para may assurance. Pero hindi ko ginawa kasi natatakot akong baka kapag nag-demand ako ng label ay mawala lang siya!

I've never experience this pain in my whole life. Siguro kasi iba-iba talaga ang lebel ng sakit. But damn it! I am experiencing once again the pain I've felt when my sister died and, if possible, this is more painful.

Tinignan ko ang cellphone. Ni hindi man lang nag-text o tumawag ang gago! Naglaplapan na ata ang dalawa dahil wala na ako!

Tangina. Lalo lang akong humagulhol at nasaktan. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya salubungin si Nabila!

And when she kissed him he didn't even flinge, cringe or show bad expressions. He let her kiss him in front of me! In my fucking front!

Hinablot ko ang cellphone ko saka ibinalibag iyon sa pader dahilan para tuluyan iyong mawasak. Pinunasan ko ang mga luha ko pero hindi iyon nauubos. Kaya naman umiiyak na dinampot ko na lang ang bag ko na pinaglagyan ko ng mga gamit at umalis sa condo ni Trisha.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakasakay na sa bus pauwi sa Bicol. Nakatanaw ako sa labas ng bintana at panay pa rin ang pag-agos ng luha ko. Wala na atang katapusan.

It was really my first time falling in love and it was also the first time my heart broke so bad. Minahal ko siya e! Sobra! I have fallen in love with him so deep. So hard.

Ang tanga ko nga rin. Sa dinami-dami ba naman kasi ng lalaki. Bakit siya pa? Bakit 'yong lalaki pang aksidente ko lang na nakilala dahil sa katangahan ko? Bakit 'yong lalaki pang may mahal naman na talaga sa simula't sapol? Kung iisipin, baka nga masaya na silang nagsasama ngayon kung hindi lang ako umintrada.

At halos doble ang sakit kapag naalala ko kung paano siya naghirap nang mawala sa kanya si Nabila. I witnessed how he suffered and all just because he lost Nabila. At ngayong bumalik na siya, one thing is for certain- maitutuloy na nila ang happy ending nila. They would already have their dreams come true and their hearts will rejoice.

Kung tutuusin, bakit nga ba ako nag-settle sa kanya? Unreachable siya tapos in love pa sa iba. Ang tanga mo naman talaga, Inah!

What do I expect? Na we would end up together? That's a big shit! A big freaking shit!

Tulala ako habang nakatanaw sa kawalan dahil sa ngayon isa lang ang sigurado ako, hindi ako pwedeng umuwi sa bahay sa ganitong kalagayan. Kaya naman tumuloy ako sa isang maliit na Inn. Buti na lang din at medyo malaki ang ipon ko.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon