Chapter 53

7.6K 131 6
                                    

Chapter 53
Begin Again

Mabilis kong inabot ang phone  ko nang tumunog iyon dahil sa isang mensahe. Ngunit mabilis ding napawi ang ngiti ko nang makitang isa lang iyong facebook notification.

Felix told me that he will be home today. Pero halos patapos na ang araw ay wala pa siya. I tried calling him but to no avail, I can't reach his line. Hindi na siya nagpaparamdam sa'kin matapos ang huling usapan namin noong pangalawang tawagan namin nang katapusan ng bagyo.

Sa pangalawang tawag na iyon ay masyado siyang cold. Tipid ang mga salita niya at para bang naiinip sa pakikipag-usap sa'kin. Ni hindi niya na nga na-replyan ang sandamakmak na messages ko sa kanya. It's just not so him.

Hindi ko tuloy mapigilang pumasok sa utak ko ang samu't-saring baka. Baka nagsawa na siya sa'kin. Baka napagtanto niya na na hindi ako nababagay sa kanya. Baka nakahanap na siya ng iba. At marami pang baka.

Nakakatakot. Pero kailangan kong magtiwala at maniwala kay Felix. He wouldn't leave me, that I'm sure of.

"Ate, may biyahe na ulit pauwi dito sa Bicol," pag-imporma sa akin ni Ian. "Pwede kang mag-eroplano para mas mabilis. Kailan ka ba babiyahe?"

Na-guilty ako. My family is waiting for me in Bicol but here I am waiting for Felix before I went home. Umaasa ako habang may umaasa din sa'kin.

"Ian, pwede bang sabihan mo muna sina Mama na may inaasikaso pa ako." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. "Dumidiskarte pa kasi ako ng pera para sa panggastos nina Papa at Izzie."

Shit. I never would have thought that I would come at this point. Where I will lie to my family just for the sake of my selfish thoughts.

"Sige, Ate."

Habang nagliligpit ako ng pinagkainan ko sa gabing iyon ay narinig ko ang pagbukas sara ng pinto ng unit. Napangiti kaagad ako at mabilis na tumakbo papunta sa sala. Handang-handa na para salubungin si Felix.

"Fe-"

Natigilan ako. Lahat ng kasiyahan ko ay biglang naglaho at napalitan ng kaba at takot. It's not Felix. It's Mrs. Brockmann standing in the doorway.

Dumapo sa'kin ang tingin niya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Andito ka pa rin pala? Let's see if you will still stay here after I announce some news to you."

Naglakad siya palapit sa sofa, ang stiletto ay gumagawa ng ingay laban sa marmol na sahig.

Napalunok ako. Ang kaba ay umiiral sa buong sistema ko. She really has this aura that makes the surrounding tense.

She motioned the opposite sofa. "Sit down."

Tumango ako at tahimik na naupo kaharap niya.

Inilapag niya ang isang brown envelope sa center table saka siya humalukipkip at taas noo akong tinignan. "See for yourself."

Hindi ko maipaliwanag ang kabang lumulukob sa'kin. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang envelope na iyon at binuksan. Naglalaman iyon ng mga pictures.

Napasinghap ako. Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng hangin. I can't breath seeing the pictures. Tears started brimming at the side of my eyes.

Tangina. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Sobrang sakit. Para bang paulit-ulit akong dinudurog habang isa-isa kong tinitignan ang mga larawan.

It was all a photo of Felix with the same woman again and again. Isa sa mga pictures ay masaya silang kumakain sa isang table for two with romantic ambiance. Ang isa ay naghahalikan sa loob ng kotse. The other one is them entering a hotel with Felix's arms around the waist of the woman. The other one depicts them sexually dancing in the bar. Ang kamay ni Felix ay nasa hita at pang-upo ng babae habang mapusok silang naghahalikan.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon