Chapter 30

10.1K 180 27
                                        

Chapter 30
Impregnate

Lunes na ako nakabalik sa trababo at ganoon din si Lisa. Nagkwe-kwentuhan pa lang kami tungkol sa mga experiences niya sa Norway ay dumating na kaagad si Sir Felix. Sayang naman at gusto ko pa sanang marinig ang mga kwento niya tungkol sa magagandang pinuntahan nila doon.

"Good morning, Sir," sabay na bati namin ni Lisa at tumayo kaagad.

Pero hindi niya man lang tinignan si Lisa. His dark eyes look at me the whole time. Kaya naman nakita ko ang palipat-lipat na tingin ni Lisa sa'kin at sa kanya na naging dahilan para bahagya akong mailang.

Pinanatili ko ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding sa may likod niya. Sinuri ko ang bawat detalye ng bagay na iyon at pinakatitigan na para bang iyon na ang pinakanakakahalinang bagay sa buong mundo.

Bakit ba naman kasi hindi marunong makiramdaman ang isa rito?

"Sir, thank you nga po pala doon sa regalo niyo. Ang ganda po pala sa Norway," basag ni Lisa sa katahimikan.

But Sir Felix nodded and replied welcome without looking at her. "Woman..."

Dahan-dahan kong sinalubong ang kanyang mga tingin. "B-bakit po?"

Kaagad na tumambol ang dibdib ko nang magsalubong ang mga mata namin. This is... not good.

I didn't experience love before but from the pocketbooks I've read I think I know what I am feeling. And this is not good. It ain't good. And will never be good for me.

Kung ano man itong nararamdaman ko... sana mawala rin. Dahil hindi talaga tama kung patuloy ko iyong paiiralin at susundin.

"Prepare your things, we're going to my penthouse. We can't work at my office because the workers will paint your office today. So..."

Nakakapagtaka kung gaano kabilis na nagawa ang opisina ko. Noong birthday ko kasi ay sinisimulan pa lang iyon tapos ngayon ay finishing touches na lang at magpipintura na lang. Kung tutuusin ay ilang araw pa lang ang lumipas.

Parang masyadong nag-overtime ang mga manggagawa para doon. Parang masyadong minadali...

"Sir, hindi niyo ba ako isasama? Kayong dalawa lang?" singit ni Lisa na ipinagpasalamat ko.

Sir Felix looked at her then nodded slowly. "Yes, of course. Dapat kasama ka," aniya sa tono na parang may kinukumbinsi.

"Ay, huwag na po pala. Baka makaistorbo lang ako," nakangising bawi niya.

"Sumama ka na," mabilis kong pagkontra.

Kinagat ko ang labi ko dahil tunog desperada akong maisama si Lisa. Hindi ko alam kung ano na lang ang tunog noon sa pandinig ni Sir Felix.

Ramdam ko ang tingin niyang nagtatagal sa'kin. Kaya mula sa painting sa likod niya ay dumapo ang mata ko sa mga papeles sa harap ko. Nagkukunwaring abala sa binabasa.

Shit. Bakit ba pakiramdam ko palagi ko na lang napapahiya ang sarili ko sa tuwing kaharap ko siya? I seriously need to get a grip of myself.

"Sigurado ka, Sir. Ayos lang?" muling tanong ni Lisa.

Sir Felix cleared his throat and nodded. "I'll wait for you two at my car. Bring all the paperworks.”

Kaagad naman kaming tumalima ni Lisa. Ako na ang nagdala ng patong-patong na papel dahil baka kung mapano pa siya.

"Baka magalit si Sir na pinadala ko 'yan sayo" wika niya pa habang nasa elevator kami.

"Bakit naman siya magagalit? Trabaho ko naman 'to."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon