Chapter 26

8.7K 174 15
                                    

Chapter 26
Happy New Year

The hall is pretty crowded with people. Rico invited me to sit with him and his friends so I did.

Rico talks to me the whole time but I don't find him annoying. I'm actually glad for his company and for his friendly aura. We talk and ask questions with each other without feeling awkward. In fact, he even helped me with the food when we were about to eat.

"Thank you," pasasalamat ko nang lagyan niya pa ng tubig ang baso ko.

"Welcome. Go on, eat."

Tinignan ko sina Lisa at Jacob na naglilibot-libot para i-intertain ang mga bisita. Then my eyes met Sir Felix's dark and intense gaze. He's still clenching his jaw but I quickly looked away. I focused on my food instead.

Hindi ako naging komportable dahil sa isang tingin na iyon. Mabuti na lang at maingay ang table namin dahil sa aktibo at friendly na mga kaibigan ni Rico at maging siya mismo. Kaya naman bahagya akong napanatag.

Habang kumakain ay nagpapatawag ng pictures ang photographer kaya busy pareho sina Lisa at Jacob dahil laman sila palagi ng litrato. Ang unang kasama nila ay iyong mga principal sponsors kung saan kabilang si Sir Felix. He stood up along with all the other men. Pero hindi maikakaila na kahit nasa gilid siya ay nangingibabaw ang itsura at tindig niya.

Ang mga bridesmaid sa kalapit na table ay talagang lantaran pang tumitili at nagpapakita ng interes sa kanya. But his eyes seems... bothered. He seems like he's in a different world.

Sumunod na ipinatawag ang mga bridesmaid and groom na sinundan ng family at relatives. Hindi naman ako nag-aabang na mapasama sa  pagkuha ng mga litrato kaya nilibang ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng pagkain at paminsan-minsang pakikipag-usap sa mga kasama sa table.

"Mauve," bulong sa'kin ni Rico. "I'll just join the picture taking. Maiwan muna kita rito."

I nodded.

As soon as he left the table, Monique turned to me. "So how long have you been friends with Rico?"

"Uh, kanina lang kami nagkakilala. Sa simbahan."

"Oh..." Bumuntong hininga siya at napailing. "We thought pa naman na matagal na kayong friends at inisip pa naming girlfriend ka niya."

"Hindi..." medyo awkward na tugon ko na binuntutan ko ng alanganing tawa.

Mabuti na lang at bumalik din si Rico kaagad. Akala ko nga lang ay mananatili na siya pero iyon pala ay binalikan lang ako para isama sa picture taking.

"Hindi na. Nakakahiya," pagtanggi ko.

"Sige na. Lisa's requesting for you."

Tinanaw ko si Lisa at nakita ang ginagawa niyang senyas sa akin para sumama sa kanila. Umiling ako pero pinandilatan niya ako. Kaya wala rin akong nagawa kung hindi ay ang sumama kay Rico.

"Get lost, Rico," pagtataboy ni Lisa sa pinsan. "Tapos na ang relatives. Workmates naman."

Rico chuckled before going back on our table. Hinila ako ni Lisa sa tabi niya at ganoon na lang ang gulat ko nang masulyapan si Sir Felix sa kabilang tabi ko. And the camera flashed right away! Paniguradong epic ang itsura ko doon!

After a few more shots I decided to leave already. But Lisa pulled me into place.

"Calling all the friends and acquaintances of the bride and groom," the photographer called out. "Please join them here."

Maraming dumulog na halos hindi na kami magkasya. Puno na sa kanan at kaliwa. Mayroon pa sa likod.

"Lis, alis na ako."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon