Chapter 28
StabbedHindi ko mapigilan ang kabang nararamdaman ko habang sakay ako ng bus pauwi sa Bicol. My hands and knees are shaking uncontrollably kaya naman kahit gusto kong matulog sa biyahe ay hindi ko magawa.
It's already dark when I finally reached the province. Dumiretso kaagad ako sa ospital kung saan isinugod si Izzie, na itinext sa'kin ni Isah. Pagkababa sa jeep ay patakbo pa akong pumasok sa pampublikong ospital.
Nagtanong ako kaagad sa information desk and luckily ay kaagad na naituro sa'kin ang numero ng ward ng kapatid ko. Pagdating doon ay may tatlo pang ibang pasyente. Like I said, it's just a public ospital and we can't afford to admit him to a private room.
Kaagad akong nakahinga ng maluwag nang makitang payapang natutulog ang kapatid ko.
"Ate!" Isah exclaimed when she saw me.
Siya ang nagbabantay kay Izzie na nakaratay at natutulog. Kasama niya ang kambal niyang si Isaac na kaagad naman akong pinaupo sa monoblock katabi ni Izzie.
"How is he?" tanong ko. Habang pinakatitigan ang maputla at halatang nanghihina kong kapatid.
"Sabi po ng doktor stable naman daw ang lagay niya sa ngayon," sagot ni Isah. "Pero kailangan niya pa rin daw ipagpatuloy ang medicine, treatment at therapy daw po. Nalaman kasi namin na hindi niya pala iniinom ang mga gamot niya. Pati ang usual therapy at treatment niya ay hindi niya inaasikaso."
Tinignan ko ang kambal kong kapatid. "How come na napapabayaan siya? Hindi niyo ba siya binabantayan?"
"Ate, kilala mo naman 'yang si Izzie 'di ba?" paliwanag ni Isaac. "Likas na matigas ang ulo. Palagi siyang binibilinan ni Mama pero hindi naman pala nakikinig."
Nagpresinta akong magbantay kay Izzie at papunta na rin daw si Ate Irah kasama si Mama. I told Isah and Isaac to go home and take care of our other siblings.
"Ah, Ate," panimula ni Isah nang paalis na sila.
"Bakit?"
Nakita ko ang ginagawang pandidilat ni Isaac sa kambal niya na tila ba may ibig ipahiwatig. Pero umirap lang si Isah at bumuntong hininga.
"Ate, kailangan na kasi naming dalawa ni Isaac magbayad ng tuition."
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Isaac.
Ngumiti ako. "Ako na ang bahala sa tuition fee niyo basta mag-aral kayo ng mabuti."
Masayang yumakap sa'kin si Isah. "Thank you, Ate."
"Sige na, umuwi na kayo."
Hinalikan ako ni Isah sa pisngi habang si Isaac naman ay sa ulo. "Sorry, Ate," bulong niya pa.
"Ayos lang," pampalubag loob na wika ko.
Both of them are freshmen college. Si Isah, kumuha ng Political Science habang si Isaac naman HRM. Kung ano mang course ang gusto ng mga kapatid ko ay hindi ako tumututol. I just support them with money kapalit ng pag-aaral nila ng mabuti.
Hindi nagtagal ay dumating si Ate Irah kasama si Mama. Natagalan lang talaga si Ate dahil hindi niya maiwan ang trabaho sa palengke.
"Bigla ka na lang umalis sa trabaho mo?" tanong ni Ate matapos kong ma-i-kwento sa kanya kung paano ko nalaman ang balita.
Tumango ako.
Naglalakad na kami pabalik sa ospital matapos bumili ng pagkain sa labas. Si Mama ang naiwan kay Izzie.
"Hindi kaya sisantehin ka niya? Hindi naman kasi tama ang ginawa mo."
Nagkibit balikat ako. "Kung matanggal man ako sa trabaho e di maghahanap ako ng bago. Atleast nasigurado kong ligtas ang kapatid ko."
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...