Chapter 21
DistractingNanlaki ang mga mata ko sa narinig kong pamilyar na boses ni Sir Felix pero ni hindi ko na kayang magpakita pa ng reaksiyon dahil sa nangyayari sa'kin. Ni hindi ko na nga siya kayang lingunin man lang.
"Fuck," he cursed again and I felt his hand rubbing my back as if that would make me feel better. "Do you want water?"
I shook my head as an answer. Natigil na rin ako sa pagduwal sa wakas. Pero ngayon naman ay nangingibabaw ang pagkahilo na nararamdaman ko dahilan para tila umikot ang mundo ko. Gusto kong mahiya kay Sir Felix dahil talagang naabutan niya pa ako sa ganitong kondisyon pero hindi ko magawang magsalita.
If this is what happens when you get drunk then I don't think I'll ever get drunk again. Sa una lang pala masaya.
"Are you okay?" tanong ulit niya.
Tumango ako.
Kung ganito pala ang nangyayari kapag nagpapakalasing bakit marami pa rin ang may gustong magpakalasing? What do they get from being drunk? Akala ko pa naman ay masaya ang ganito dahil mahilig ang mga kaibigan ko sa ganito at nag-e-enjoy sila. But maybe it's because I'm not really like them.
Hindi nga naman ako nag-mature katulad nila. While they were all busy partying and drinking almost everynight I work hard to be able to feed my family.
"Are you fucking sure you're really okay? I can get water if you want."
Umiling na lang ako at tahimik na pinunasan ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko. I stood in silence beside Sir Felix while waiting for my friends. I should feel uncomfortable with the silence reigning between us but I couldn't care more with the dizziness I feel. Papikit-pikit na ang mga mata ko habang hindi maayos na nakatayo doon. Kung wala lang si Sir Felix na umaalalay sa'kin ay baka kanina pa ako nabuwal at nakalupasay dito.
I still managed to see my friends before losing my consciousness.
I woke up with my head throbbing achingly. Gustong-gusto ko talagang magsisi sa mga pinanggagagawa ko kagabi. Kung pwede lang ibalik ang oras ay hindi ko gagawin ang mga ginawa ko kagabi. But I can't. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.
I just really want to stay in the bed all day and sleep all the pain and throbbing. But I know better that I shouldn't. Because if I choose to be selfish I'll let my family suffer from hunger.
Kaya naman kahit tila pumipintig pintig ang ulo ko ay sapilitan akong bumangon. Pagdating sa kusina ay nakita ko ang nakahaing almusal na may katabing isang tableta at sticky notes.
'Eat your breakfast and drink this med, it will help you ease your hang-over.
-Ky'Ky? It's not weird for Ky to left such reminders or notes. But I actually except Trisha to do that. Dahil siya naman iyong nakatira dito at kasama ko sa lugar.
Hindi ko man nga lang alam kung paano ako nakauwi at kung dito ba inihatid si Trisha ng lalaking sinasabi ni Kyla na sumundo sa kanya. Wala na rin ako masyadong matandaan. Ang naalala ko lang ay hanggang sa nagpaalam sila na pupunta sa restroom. Beyond that, wala na talaga.
Pero wala namang pwedeng sumagot sa mga tanong ko ngayon dahil wala sila. Sa susunod na lang siguro.
Thankfully, I felt better after taking the medicine. And due to the pressure of being late for work, I get readied twice as fast as my usual speed. Nakarating ako sa opisina pasado na alas nwebe at kaagad nang dumiretso sa opisina ni Lisa.
"Your're late for the first time," komento niya. Pinasadahan niya ako ng tingin. "And you look gorgeous with that outfit."
Nakasuot ako ng isang white boho off shoulder blouse, pink pencil skirt at itim na stiletto. See-through ang parteng baywang ng blouse kaya naman kita ang katawan ko. Habang ang skirt naman ay halos isang dangkal lang ang haba na hapit na hapit sa balakang ko.
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...