Chapter 18
NumberHindi pa rin ako nakakabawi sa gulat sa sinabi ni Sir Felix. Gan'on gan'on na lang ba 'yon?! I didn't even apply for a proper position!
Hindi ba't ang dapat na maging sekretarya niya ay iyong may experience sa ganoong field? Pero bakit ako? Ako na wala namang alam sa gan'ong bagay. Ako na janitress lang!
If he don't want to have a big headache then he must change his mind! I know that I'm hardworking but I'm really illiterate about such position!
Kaya nga lang, bago pa man ako makapag-protesta ay tumayo na siya.
"Fix this box of pizza. Ilagay mo na lang ulit sa ref," bilin niya bago lumabas ng opisina.
Tumaas ang kilay ko. Ang gago niya talaga kahit kailan. Bakit niya pa kinuha sa ref kung hindi niya rin naman pala kakainin? Tapos ngayon uutusan pa akong ibalik sa kitchen. Tss. Ibang klase.
So far the day went good. Pagka-out ko sa kompanya ay kumain ng hapunan sa isang murang karinderya then there I went to my next job at the bar. Pagkatapos naman ng duty ko sa bar ay sa convenience store hanggang alas tres ng umaga.
Nothing really happened except the usual in the bar. May iilang kumukuha ng number ko at may isa pang naglakas ng loob na abangan ako sa katapusan ng shift ko. Mabuti na lang din talaga at kasabay ko sina Macy at Sandra.
"Ganda mo talaga," ngisi sa'kin ni Sandra.
Napailing na lang ako. Hindi ko naman kasi iniisip na maganda ako kaya maraming sumusubok. Sadyang marami lang talaga atang lalaki ang malungkot at naghahanap ng kung anong thrill sa buhay.
Pagkauwi ay gulat pa ako nang maabutan si Trisha sa sofa na gising pa at may kausap sa cellphone. She was smiling until she saw me came in.
Mabilis niyang ibinaba ang cellphone. "Em, nakauwi ka na pala."
"Alas tres e medya na. Bakit gising ka pa?" tanong ko habang naghuhubad ng sapatos.
Patay na ang ibang ilaw maliban sa isang lamp na naka-dim sa gilid ng sofa set kung nasaan siya.
"May kausap lang," pagtaas niya sa phone niya. "Sige. Pasok na ako sa kwarto."
I nodded then go to my own room too. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
Somehow, having full sched helps me to sleep better at night. Dati rati kasi ay hindi rin ako mabilis makatulog sa kakaisip ng mga problema sa buhay. Pero ngayong palagi akong pagod sa trabaho ay kaagad akong nakakatulog.
Kinabukasan ay naunang magising sa'kin si Trisha na may kausap na naman sa cellphone niya habang nakangiti ng malapad. And she is even laughing on whatever was said by whoever in the other line.
"Em!" gulat niyang wika nang makita ako.
"Good morning," bati ko at nagsimulang magtimpla ng kape.
Siya naman ay tapos na yata dahil nakita ko na ang paborito niyang tasa sa sink.
"Morning," she greeted back. "Kumain ka na, sa kwarto lang ako."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maisara niya ang pintuan ng kwarto niya. I have a hunch about Trish but I choose to keep silent. Afterall, nasa tamang edad naman na siya and she's smart enough to be guided.
Mabuti na ring naka-move on na siya sa lalaking naging dahilan kung bakit ako nandito sa lugar na kinasasadlakan ko ngayon. Ang tanga ko rin naman kasi sa part na masyado akong nagpadalos-dalos.
Nakakatawa lang talaga isipin na ganito ang kinahantungan ko dahil lang sa isang maling desisyon. Well at least I learned my lesson, right? And that is to never let your emotions drive you.

BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...