Chapter 48

7.3K 111 1
                                    

Chapter 48
Higher

"Malapit na raw sila Ate."

Napangiti ako sa sinabi ni Iloisa. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng lugar at napangiti nang makita na ayos na at handang-handa na. Ang kapatid at mga magulang ko na lang ang kulang.

Binalak ko sanang sumama sa kanila para mapanood ang graduation ng Summa Cumlaude kong kapatid na si Ian. Pero napag-isip isip kong mas mabuti kung magpapaiwan na lang ako para masiguradong maayos ang magiging salo-salo.

Hindi naman nagkaproblema sa pagluluto dahil tumulong ang mga kapitbahay namin na kinagawian na namin dito sa probinsya tuwing may okasyon. Ang mga kapatid ko naman, si Patty, Pelton, Kelvin at Felix ang tumulong sa akin sa mga dekorasyon pati na rin sa pagsasaayos ng maliit na lugar sa bakuran namin.

"You're tired."

Napangiti ako nang punasan ni Felix ang iilang butil ng pawis sa noo at mukha ko gamit ang hinlalaki niya. "Hindi naman."

"Ayoko pa namang napapagod ka," pagnguso niya. "Turn around."

Tumalikod ako katulad ng sabi niya kahit hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa marahan at paunti-unti niyang sinikop ang buhok ko at itinali sa isang mababang ponytail.

Hinarap ko siya. "Thank you."

Mabilis niyang dinampian ng halik ang labi ko. "My pleasure."

Tumikhim ang kung sino at nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa mga kaibigang kamakailan ko lang nakita ulit. Belinda, Apple, Drew and Jonas' eyes lingered on Felix. Awtomatiko namang umikot sa baywang ko ang mga kamay ni Felix.

"Uhm, hi Inah," tila awkward na bati ni Belinda.

Ngumiti ako sa kanila. "Hi. Masaya akong nakapunta kayo." Hindi pa rin naalis ang pagsulyap nila kay Felix. "Anyway, si Felix nga pala." Nagtama ang aming mga mata at ngumiti ako bago bumaling ulit sa mga kaibigan ko. "Boyfriend ko."

Tipid na tango lang ang iginawad sa kanila ni Felix.

Nang-aasar na ngumiti sa'kin si Apple. "Hindi mo naman kaagad sinabing may boyfriend ka."

"Oo nga," pagsang-ayon ni Jonas. Tumingin siya kay Felix at tumango. "Sorry sa ginawa ko kahapon, man. I know it was offensive but I didn't know."

Napangiti ako at sinulyapan ko si Felix. Tumango siya kay Jonas at nakipagkamay pati na rin kay Drew.

"Ate, nandito na sila!" anunsiyo ni Ilene na nakaabang kaagad sa tricycle na pumarada sa harap ng bakuran namin.

"Pasensya na kung baka hindi ko kayo masyadong ma-entertain ha," wika ko sa mga kaibigan ko. "Medyo abala kasi."

"Ayos lang. Naiintindihan namin," pagtango ni Drew.

"Salamat." Iginiya ko sila papunta sa malapit na mesa na wala pang umuukupa. "Dito na kayo."

"Sige."

Bumalik ako sa kinatatayuan ko sa tabi ni Felix at tinignan ang tricycle. Unang lumabas mula sa loob si Ate Irah buhat ang anak niyang si Cas bago si Mama. Mula naman sa likod ay bumaba si Papa at ang naka-itim na toga na si Ian. Napangiti ako nang malawak nang masulyapan ang medal na nakasabit sa kanya at ang diplomang hawak niya. My heart swelled with pride.

Nanatili ako doon sa may mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Dumagsa kaagad ang mga papuri at bati para sa kapatid ko. Kaya naman nauna na sina Mama papasok.

Kaagad akong nagmano sa kanila at ganoon din ang ginawa ni Felix. Pi-nat niya pa ang pamangkin ko na ngayon ay ngiting-ngiti sa kanya.

"Ate, kain na tayo. Nagugutom na ako," reklamo ni Izzie na kakalabas lang mula sa salas.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon