Chapter 43

7.8K 147 2
                                    

Chapter 43
Asawa

Medyo tinanghali ako ng gising kinaumagahan dahil sa patuloy na pag-iyak kagabi. Kaagad akong bumangon at dumiretso sa kwarto ng mga kapatid kong lalaki para tignan si Felix dahil doon siya pinatulog ni Papa kagabi. Pero wala na akong nadatnan na pigura niya. Kahit ng mga kapatid ko.

"Ma, si Felix po?" tanong ko kay Mama nang siya ang maabutan ko sa kusina na naghihiwa ng sibuyas.

"Nasa bukid-"

"Po?!" bulalas ko. "Anong ginagawa niya d'on?"

Felix isn't someone who knows about manual labor. Alam kong hindi siya sanay sa buhay na kinagisnan ko but I am actually happy that he tries to adjust. Pero hindi ko siya pipilitin kung talagang hindi niya kaya.

Bumuntong hininga si Mama. "Aba'y nagpupumilit sa Papa at sa mga kapatid mong sumama. Sinabihan kong dito na lang siya pero gusto niya raw makita ang bukid."

Ano na naman ba ang pumasok sa utak ng lalaking 'yon at nagpumilit sumama? He's not supposed to be in a place where he doesn't really belong!

"Nag-almusal na po ba sila?"

Umiling siya. "Nagkape lang sila at kumain ng pandesal. Antayin mo itong niluluto ko at dalhin mo sa kanila doon."

Tumango ako at ipinagtimpla ang sarili ng kape. "Nasaan po si Ate Irah?"

"Nasa palengke. Linggo ngayon kaya paniguradong maraming mamimili."

After our conversation last night, I don't know how to face Ate anymore. I don't know what she actually thinks of me. Alam ko disappointed siya sa desisyon ko but I hope she will someday accept it. Hopefully...

Sumimsim ako sa kape. "Saan niya po iniwan si Cas kagabi?"

"Kay Nena niya lang naman lagi iniiwan ang anak niya." Isinalang niya ang kawali sa apoy. "Alam mo na at nagp-presinta rin iyong si Nena na mag-alaga ng mga bata."

Aling Nena is one of our considered neighbours. Mga sampung bahay lamang ang layo sa'min at talaga namang napakahilig niya mag-alaga ng bata. Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi talaga siya nagkaanak kaya rin siya iniwan ng asawa. Sad but true.

Just because she can't produce a child, her husband left her and look for another woman who can give him one. Kaya ngayon ay tumatanda na siyang mag-isa at sa pagkakaalam ko ay ilang taon ang tanda niya kay Mama.

Naligo ako habang inaantay matapos sa pagluluto si Mama. Nakapagwalis na rin ako sa bakuran at nakapagdilig ng mga halaman. Bukod doon ay wala ng ibang lilinisin dahil malinis na ang buong bahay.

"Oo nga pala, paalalahanan mo iyong kapatid mong si Isah na huwag masyadong magpapagod. Baka atakihin na naman siya ng asthma niya," paalala ni Mama habang inaayos sa basket ang mga pagkaing ipapadala sa'kin.

Isinara ko ang bote ng tubig matapos iyon punuin. "Bakit pa po siya sumama doon?"

"Kukuha daw ng bulaklak para sa misa mamaya. At tungkol nga pala doon ay sabihan mo ang Papa at mga kapatid mo na umuwi kaagad dahil alas nwebe pasado ay magsisimula na ang misa." Isinara ni Mama ang basket at bahagyang itinulak papunta sa'kin. "Sabihan mo rin silang daanan si Ilene sa batis at mukhang nagkaayaan na naman kasama ng ibang mga bata."

"Si Iloisa po?"

"Inutusan ko lang na bumili sa tindahan."

Tumango ako at dinampot na ang basket. "Sige po. Mauna na ako."

Suot ang isang simpleng t-shirt, manipis na paldang abot hanggang talampakan at simpleng tsinelas ay tumungo ako sa bukid dala ang basket. Mainit ang araw pero halos hindi ko iyon maramdaman dahil sa hangin.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon