Chapter 38

8K 119 0
                                    

Chapter 38
Replaying

"Ano na nga bang label niyo?"

Dumapo ang tingin ko kay Trisha na nakaupo kaharap ko sa hapag. Mabilis akong umiwas ng tingin at pinaglaruan ang ice cream ko sa tasa. "W-we said I love you to each other."

Hindi ko alam kung matutuwa ba siya sa sagot ko. But what should I say? Iyon naman talaga ang totoo. Wala naman talaga kaming maayos na label ni Felix pero sinabi na namin iyong tatlong mahalagang salita. That is enough right?

Or... maybe not?

Nakangising dumukwang sa mesa si Phil. "Talagets?! Nag-I love you na siya sayo?!"

Sinulyapan ko muna si Trisha at ang katabi kong si Kyla bago tumango kay Phil. "Oo."

Tumili siya at napapalakpak pa sa ere. "Wow naman! Napakabonggang improvement niyan!"

"Congrats," nakangiting ani Kyla. "Sana masaya ka sa kanya. Because you really deserve to be happy, Em."

Ngumiti ako pabalik. I know that they might not always agree with me and with my decisions but they still want the best for me. And I appreciate it a lot.

"Huwag ka na ngang kontrabida diyan, Trish," sikmat ni Phil sa nanahimik pa rin na si Trisha. "Ngayon na nga lang nagka-love life itong kaibigan nating halos tumanda nang dalaga ganyan ka pa."

Trisha sighed and turned to look at me. "I just don't want her to be hurt. Because Inah doesn't deserve pain. I just want to protect her."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at halos maluha-luhang tumingin sa kanya pabalik. I know that they really care for me, I've felt it. But for them to put it into words is another thing. "T-thanks."

"Nakaka-touch naman ang sisterhood natin!" matinis na tili ni Philippe.

Sinimangutan tuloy siya ni Trisha at nahampas ni Kyla dahil sa paninira ng mood. Kaya natawa na lang ako.

Hindi na rin naman na nagtagal sa condo ni Trish sina Kyla at Phil dahil may trabaho pa bukas. Dumaan lang talaga sila pareho dito dahil nataon na parehong maagang nakauwi at walang ibang plano.

"Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko kay Trish nang madaanan ko siyang naglalatag pa ng blueprint sa sala.

Umiling siya nang hindi ako tinitignan. "Mamaya pa. May mga kailangan pa akong tapusin."

Tumango ako at didiretso na sana sa kwarto ko nang tawagin niya ako. "Bakit?" paglingon ko.

Pinakatitigan niya pa ako ng ilang segundo bago siya muling nagsalita. "Felix is loyal too you, right? Hindi ka naman niya niloloko 'di ba?"

Why is she asking about him? And why is she questioning Felix's loyalty?

"Hindi naman..."

But I don't know if I am right. Felix might be open to me now but I can't control him to say everything to me. May personal pa rin siyang buhay at kalakip na doon ang mga personal niyang sikreto na hindi ko alam.

Tumango-tango siya. Iginala ang mga mata sa paligid bago ako muling tinignan. "Hindi naman siya madalas... lumabas ng bansa 'di ba?"

Kumunot ang noo ko sa mga itinatanong niya. "Hindi naman. Nasa opisina lang siya palagi nitong nakaraan. Bakit? May problema ba?"

She breathed a sigh of... relief? "Wala naman," pag-iling niya. "Akala ko lang kasi ay lumabas siya ng bansa dahil out of the country din ngayon si Warren."

"Hindi. Nandito lang siya sa Pilipinas."

Tumango siya. "Okay, then. Sige na magpahinga ka na."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon