Chapter 4

10.9K 177 3
                                    

Chapter 4
Destiny

And as if God heard my prayer for the second time ay nakaligtas ako. Dumating si Tita Loren kasama si Macy. Imbes na ako ay si Macy ang inutusan ni Tita na lumapit sa table na iyon. At halata namang nagustuhan ni Macy ang iniutos sa kanya.

Now, based on my observation ay maraming babaeng nahuhumaling kay Felix Brockmann but look at himself, nagmumukmok dahil sa iniwan ng babaeng pakakasalan sana.

Gaga ka ba, Inah? Malamang magmumukmok 'yan dahil mahal na mahal niya 'yong tao.

At dahil na rin sa pagdating ni Felix ay inutusan ako ni Tita Loren na as much as possible ay maglinis na lang doon sa ibang pwesto at iwasan iyong VIP table. And I'm so thankful for that because of less chance for Felix to recognize me, that is... if he still recognizes me amidst my changes.

When the clock ticks twelve ay personal na akong nilapitan ni Tita upang sabihan na oras na ng out ko. Nagbihis lang muli ako at nag-ayos saglit saka naghanda para lumabas sa bar. But unknowingly ay sapilitan kong liningon ang VIP table nina Felix Brockmann kahit na malayo ako. There I saw him staring at nowhere while holding a glass of something.

Nade-depress na ata ang lalaking ito and I should be guilty enough kasi kasalanan ko. However, I can't feel any guilt anymore. A little bit, maybe, but not as strong as when the issue was still fresh.

Pinilit kong lakasan ang loob ko habang naglalakad sa tahimik na daan sa kalaliman ng gabi. Alas dose pasado na at kailangan ko pang makaabot sa panghuling trabaho ko sa isang 24/7 convenience store. True enough ay pagod na ako but I can't do anything. My family depends on me so I have to do the best that I can.

Dumating ako sa convenience store nang alas dose e medya dahil na rin sa bilis ng paglalakad ko. Tatlong tao lang ang naabutan ko doon. Ang guard, isang babaeng nasa cashier at isang babaeng naaalala kong pinsan ni Trisha. Unlike Tita Loren, I am hundred percent sure that this girl doesn't know me. I know her but she didn't know me. Na-i-kwento lang siya sakin ni Trish at nakita ko na rin makailang beses.

"Uh, sorry po. Masyado po ba akong matagal?" paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay. Twelve forty pa naman ang shift mo. You're actually early. By the way I am Tina, Trisha's cousin," pakilala niya.

"Nice meeting you po, Miss."

"Nice meeting you too Mauve, right?"

"Opo," pagtango ko.

Miss Tina just introduced me to Sally, the girl in the cashier and to Manong Ramon, the guard. Then she left.

"Alam mo bang nakakaantok ang ganitong trabaho?" pagsisimula ni Sally ng usapan. "Hatinggabi na at halos wala namang mga customer na dumarating katulad ngayon."

Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos sa iilang cup noodles. "Bakit hindi ka maghanap ng ibang trabaho?"

"No choice, e," pagkibit balikat niya. "Ito lang ang oras na available ako para makapagtrabaho."

"Bakit naman?"

"May asawa na kasi ako at isang taong gulang na anak," pagkwento niya. "Ang asawa ko ay nagt-trabaho bilang construction worker sa umaga hanggang hapon kaya ako ang nagbabantay sa anak namin. Kapag dumating naman ang alas nwebe ng gabi at siguradong tulog na ang anak namin ay saka naman ako umaalis para magtrabaho rito."

Tinignan ko siya at nagkibit balikat. "Wala talaga tayong choice. Pamilya, e."

"Ilang taong gulang ka na ba? Parang bata ka pa naman ah?" Kumunot ang noo niya. "Huwag mong sabihin na may sariling pamilya ka na rin?"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon