Chapter 46

7.6K 132 0
                                    

Chapter 46
Someday

"'Ta 'Nah!"

Kaagad kong iminulat ang mga mata ko sa pamilyar na tinig na iyon.

Ngumiti ako sa batang nabungaran ko. "Hi, baby Cas," inaantok kong wika. Inaantok rin akong ngumiti kay Felix na nakaalalay sa pamangkin ko.

She kissed me on both of my cheeks. "Gising 'kaw, 'Tah 'Nah."

Bumangon ako at bahagyang nagkusot ng mga mata. I feel embarrassed when a realization hit me. Kakagising ko lang at hindi ko alam kung anong itsura ko. Baka may mga dumi pa ako sa mukha.

Hinawakan ni Felix ang palapulsuhan ko at dumukwang palapit sa'kin para halikan ako sa noo. "Good morning, woman."

Umiwas ako ng tingin. "Good morning," halos bulong na bati ko pabalik.

Shit. Baka bad breath pa ako!

Ngumisi siya nang mapansin ang bahagyang pagkailang ko. "Nandito ang Ate mo at kung pwede daw ay iiwan niya sayo si Cas."

Tumango ako. "Nasaan siya?"

"In the kitchen. She's talking to your mother."

Tumayo ako at inayos ang sarili sa harap ng salamin. "Sige na. Lumabas na kayo. Maghihilamos lang ako."

Nakita kong may ibinulong si Felix kay Cas dahilan para magtatakbo ang bata palabas ng kwarto. When he looked back at me he's grinning from ear to ear.

Umirap ako. "Ano na naman ba ang sinabi mo sa bata?"

Humakbang siya palapit sa'kin at yinakap ako mula sa likod. "That we need some privacy." Suminghap siya sa leeg ko. "You look so fucking hot in the morning, woman."

"Tigilan mo ako, Felix," irap ko. Tinampal ko ang kamay niya sa tiyan ko. "Bitiw. Maliligo na ako."

Pero mas lalo lang niyang ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. "Later."

"Felix..." singhap ko nang naramdaman ko ang mga nanunuya niyang halik sa leeg ko.

"Hmm?"

"Tigil-tigilan mo ako diyan. Tatamaan ka sa'kin."

"Uh-huh." Tinitigan niya ako sa salamin. Mabigat at malalim ang paraan ng paninitig niya. "Matagal na akong tinamaan sayo."

Umirap ako at bahagyang natawa. "Seriously?"

I was not so expecting that! Not so him.

"Hmm," marahan niyang pagtango.

Hinayaan ko siyang yakapin ako. Hindi kami bumibitaw sa pagtitinginan sa salamin. Ang mga daliri ko ay nakasalikop na ngayon sa kanya. How I wish I can wake up like this for more days.

Nagkasundo kami na pagkatapos na ng graduation ng kapatid ko babalik ng Maynila. Tutal ay ilang araw na lang din naman.

Dinampian niya ako ng matagal na halik sa sintindo. "I love you woman," he whispered over my ear. "So much. So damn much."

Ngumiti ako. "I love you too."

"What I'd give to hear that everyday," he chuckled.

"Inah."

Kaagad akong humiwalay kay Felix nang marinig ang pagtawag sa'kin ni Ate Irah na sinundan ng pagtikhim niya. "Ate?"

Nakatayo siya sa hamba ng pintuan ng kwarto namin. At nahihiya akong isipin na baka kanina pa siya diyan. Sana naman hindi.

Si Felix ay humalukipkip sa tabi ko. Nakayuko at napapangisi.

Sinulyapan ni Ate saglit si Felix bago bumaling sa'kin. "Nasabi ni Mama na wala ka naman daw gagawin kaya kung pwede ay ikaw muna ang magbantay kay Cas. May sakit si Aling Nena, e."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon