Chapter 51
BetrayedSinikop ko ang buhok kong sumasayaw dahil sa lakas ng hangin na dala ng blades ng helicopter. Pinagmamasdan ko si Felix habang kinakausap ang isang lalaki hindi kalayuan sa'kin. Habang ang isang lalaki namang naalala ko bilang Lucas ay nakaupo na sa loob ng helicopter katabi ang bagaheng dala nila ni Felix.
Tumango ang lalaking kausap ni Felix sa kung ano mang sinabi ng huli. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Alas dos pa lang ng umaga pero aalis na si Felix para pumunta sa Singapore. Kasama niya si Lucas na ngayon ay binigyan ako ng isang mabilisang tingin bago may isinenyas kay Felix.
Tumalikod iyong lalaki at naglakad naman palapit sa'kin si Felix, hindi pinapansin si Lucas. "I'll miss you," paos niyang bulong sa tainga ko.
"I'll miss you too."
Hinila niya ako at mahigpit na niyakap na para bang ayaw niya akong pakawalan. Hindi siya nagsalita at naramdaman ko na lang ang pagkakadampi ng labi niya sa noo ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko para damhin ang halik niya.
"Felix!" Lucas shouted at him.
"Fuck. Dapat talaga hindi ko na pinasabay sa akin ang lalaking 'yan. Masyadong atat."
Bahagya akong tumawa at marahan ko siyang itinulak. "Sige na. Aalis na kayo."
Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at masuyo akong hinalikan, mababaw at matagal. "I love you."
"I love you too."
May sasabihin pa sana siya pero dumating si Lucas at hinila siya palayo sa'kin. "Damn man! Halika na!"
"You shut the fuck up! Sandali lang pwede ba?" inis na singhal niya kay Lucas. Lumapit ulit siya sa'kin at mabilisan akong hinalikan sa labi. "Bye, woman. Masyadong atat ang kasama ko e. Palibhasa makikita niya na ang love of his life sa Singapore."
So... Lucas has a lovelife of his own, huh? Akala ko si Felix at Warren lang ang mayroon.
Tumawa ako. "Sige na. Umalis na kayo kung gan'on."
"I love you, woman."
"Damn, man! Kanina ka pa kaka-I love you at kakapaalam hindi ka naman nakaka-alis! Let's go!"
Umirap si Felix kay Lucas at ngumiti ulit sa'kin. "Sige na pumasok ka na. Aalis na kami."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Tama naman kasi si Lucas na kanina pa siya kakapaalam pero heto at nakatayo pa rin siya sa harap ko.
Tumango ako. "Ingat kayo."
"Fucking hell, Felix Roberto Brockmann! Kung hindi mo siya kayang iwan isama mo na lang siya! Damn the hell man! Nagmamadali ako!"
"Yeah, whatever. May sarili ka naman kasing helicopter at eroplano sumabay-sabay ka pa sa'kin,” reklamo naman ni Felix.
Bahagya pang nagpalitan ng salita ang dalawa bago sila naglakad palapit sa helicopter. Lumingon sa'kin si Felix at sinenyasan akong bumalik na sa penthouse niya, sa baba, bago siya sumakay. Tumango ako at inantay siyang makasakay.
Nang makapasok siya ay kumaway ulit siya at sinenyasan akong pumasok na. Tumango ako at tinalikuran na nga sila para bumalik sa penthouse. Humihikab pa ako habang nasa elevator at nadatnan ko sa labas ng unit ang lalaking kausap kanina ni Felix.
Malaki ang katawan niya at masyadong pormal ang tindig niya. Hindi man nga lang siya masyadong gumagalaw. He looks like some sort of a bodyguard. And professional at that.
"Uh, gusto mo bang pumasok muna?" tanong ko sa kanya.
"Mahigpit pong bilin sa'kin ni Sir na hanggang dito lang ako," tugon niya.
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomantikAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...