Chapter 14

9.1K 160 3
                                    

Chapter 14
Bastard

Unfortunately, Sir Felix agreed with Lisa's idea. Kaya naman ngayon ay nandito ako nakasakay sa passenger seat ng kotse niya katabi ng driver. And he is sitting comfortably at the back.

Walang ingay sa biyahe kaya naman pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa dinadaanan namin. Malayo nga talaga dahil pakiramdam ko ay halos thirty minutes na kaming bumabiyahe.

"Did you already called in your workplace?" malamig na tanong ni Sir Felix mula sa likod.

"Mamaya na lang po siguro."

Wala naman kasi akong cellphone na pwedeng gamitin kaya aantayin ko na lang si Lisa. Alangan namang sa kanya ako manghiram? Kapal naman ng mukha ko kung gan'on.

Huminto ang sasakyan sa isang malaking gate na awtomatikong bumukas. Namangha ako nang bumungad ang malawak na damuhan at hindi kalayuan ay nakatayo ang isang napakalaking bahay. May fountain pa sa gitna at may statue doon ng anghel.

This is his house? Woah. Ibang klase talaga ang yaman nitong si Sir Felix.

Nauna na siyang bumaba habang pinagbuksan naman ako ng driver. Pagkatapos ko magpasalamat ay sumunod ako kay Sir Felix na dire-diretsong pumasok sa bahay.

Mas lalo akong napanganga dahil napakalawak ng bulwagan. Lahat ng gamit ay gawa sa babasaging palamuti maliban sa malaking couch set. May fireplace pa! Aba naman talaga. Ibang klase.

Sa kaliwang bahagi ay may hagdan na paikot at may mga painting ng tao na nakasabit sa bahaging iyon. At nahigit ko ang hininga ko nang mapagtanto na painting iyon ng mga magulang niya! Siya naman iyong nasa ikatlong painting.

Lumingon ako sa kanang bahagi at nakita doon ang mas malaking painting nilang tatlo. Nasa iisang frame lang sila. Nakaupo si Mrs. Brockmann habang nasa likod naman nito ang asawa at anak na nakatayo.

Mukhang ginawa iyong painting na iyon ilang taon pa lang ang nakakaraan. He looks exactly the same as now except that he looks more manlier now. Mas tumangkad siya ngayon at mas lalong naging matipuno ang katawan. And I would be lying if I do not admit that he actually looks handsome in the painting. But he looks more devilishly handsome now.

Mukhang kaisa-isang anak lang si Sir Felix dahil wala na akong makitang ibang kasama nila. Even in the picture frames placed above the fireplace only display them three.

"What now? Are you just going to stand there?"

Bumalik ako sa ulirat sa baritonong boses na iyon. He is standing in the first step of the stairs while his hands are placed on the side of his waist. Kunot na naman ang noo niya, palatandaan na galit na naman siya sa mundo.

"Anong pong gagawin ko?" naguguluhang tanong ko.

I don't even know why he told me to come with him here! Thus, I don't even have an idea of my purpose being here.

"Follow me, stupid," aniya at umakyat na sa magarbong hagdan.

Aba't talagang ginagago ako nito. Inah ang pangalang ko! Inah Mauve Mangaldan! Hindi stupid o kung ano pa man!

Naiirita akong sumunod sa kanya. Pati ang ikalawang palapag ng bahay ay sadyang napakalaki. There were several paintings of sceneries hanging everywhere. May tatlong direksyong patutunguhan; kaliwang pasilyo, kanang pasilyo at diretsong pasilyo.

Sinusundan ko lang si Sir Felix na tinutungo ang kanang pasilyo. Pumasok siya sa tapat ng pinakahuling pinto.

Nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me I will still follow him inside that room? Anong gagawin namin diyan?

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon