Chapter 54

8.1K 116 0
                                    

Chapter 54 
Now

I smiled. But my reflection in the mirror reveals the sadness written in my eyes. It is indeed a force one.

But that is the best one I could do, the best one I can manage.

"Ate, may tricycle na sa labas."

Tumango ako kay Isah. Sa huling pagkakataon ay sinuri kong mabuti ang itsura ko. Maayos. It doesn't seem like I'm in so much pain.

Tinignan ko ang mga bagahe ng pamilya ko na katabi ng nakaratay na si Papa. Handa ang mga iyon marahil maging ang buong pamilya ko maliban sa sarili ko.

"Anak, saan ba talaga tayo pupunta?"

Tipid akong ngumiti kay Mama. "Basta ihanda niyo na lang po ang mga gamit niyo dahil aalis na tayo dito sa Bicol pagbalik ko. Aasahan ko kayo sa terminal pagkauwi ko."

Kitang-kita ko ang pagtataka at pag-alala ni Mama sa sinabi ko. But I didn't bother to explain more. Hanggang doon na lang ang kaya kong sabihin nang hindi umiiyak.

"Ano ba talagang gagawin mo sa Maynila? At bakit ba tayo aalis? Saan tayo pupunta?"

Hindi na ako nag-abala pang pagtuunan ng pansin ang mga tanong ni Ate. Paulit-ulit na lang. Nakakasawa. Nakakapagod.

"Inah?" Hinila niya ang braso ko dahilan para matigilan ako sa pagpasok sa tricycle. "Inah, ano bang nangyayari? Bakit parang wala ka sa sarili mo?"

Umiling ako, walang ekspresyon. "Kailangan ko nang umalis, Ate. Baka maiwan ako ng flight ko."

Pumasok ako sa tricycle at sinenyasan ang driver na lalarga na kami. Hindi na ako muling lumingon pa.

Sinikop ko ang buhok ko dahil sa malakas na hangin pagkababa ko pa lang ng eroplano. Lutang ako hanggang sa makalabas sa airport. Hindi kalayuan ay kaagad kong nakita ang isang pamilyar na sasakyan at ang taong nakasandal doon.

My heart throbbed painfully. Tears started to form in my eyes. I swallowed the lump in my throat and smiled as good as I can.

Kaagad niya akong sinalubong ng mahigpit na yakap. "I miss you. A lot."

Hindi ko napigilan. Tuluyang kumawala ang aking mga luha na ilang araw ko ring inipon. "I miss you too," bulong ko sa basag na boses.

He pulled away instantly. Hinuli niya ang paningin kong lumalagpas sa kanya. "Woman, what's wrong? Why are you crying?"

I wanna laugh. Nababaliw na ata ako. Paano ba naman kasi napakagaling ni Felix umarte. And probably if I didn't know better? Baka nahulog na naman ako sa akto niya.

Umiling ako. "Wala. Masaya lang ako."

He cupped my cheeks. "Come on, look at me."

Pinilit ko. Pinilit ko ang sarili kong tignan ang mga matang minahal ko ng husto.

"Bakit ka umiiyak?" His face shows worry but I know better.

"Masaya nga lang ako," nakangiting tugon ko. "Tara na. Punta na tayo sa hotel na sinasabi mo."

Inunahan ko na siya sa paglalakad patungo sa kotse niya. Pero mabilis niya akong nahabol. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin at iniangat upang halikan ang likod ng aking palad. Mas lalong piniga ang puso ko.

Hindi ako umimik habang nasa biyahe kami. Pansin ko ang maya't-maya niyang pagsulyap sa'kin pero umakto akong nahahalina sa dinadaanan namin.

"I've booked two rooms," wika niya habang papasok na kami sa hotel.

"Bakit dalawa? Pwede naman tayong sa isang kwarto na lang," suhestiyon ko.

Ngumisi siya. "Are you tempting me?"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon