Chapter 7

9.6K 159 2
                                    

Chapter 7
Pahirap

Iniwan ako ni Lisa sa opisina ni Sir Felix para balikan ang huli. Aniya'y may meeting pa raw ito at talagang sinadyang inutusan lang siya na ihatid ako sa opisina at bilinan ng mga dapat kong gawin.

His office is quite clean and in order. Pagbukas ng pinto ay makikita kaagad ang mesa na may nakapatong na iilang papeles at may trash can sa tabi. Malawak ang lugar at glass window pa ang likod ng opisina kung saan tanaw ang siyudad. Sa kaliwang bahagi ng opisina ay makikita ang iilang bookshelves na puno ng mga libro. Sa kanan naman ay may sofa set at may coffee table. On both walls there are certificates hanging.

Malinis ang buong lugar at mukhang wala na rin naman akong kailangan linisan but I did anyway. Mi-nop ko ang buong lugar at nilinis na rin pati ang glass window na nangingitab sa repleksiyon ng araw mula sa labas. But confusingly, ay hindi naman tumatawid ang init ng sinag sa loob. Inayos ko na rin ang lamesa at ang mga papeles na nakatambak doon. I emptied the trash bin and put all the garbages on the garbage bag I've brought at the cart. I sprayed some air perfume for the last step.

At kahit hindi sinabi sa akin ay nag-mop na rin ako sa pasilyo sa labas ng opisina niya. Naramdaman ko ang tagaktak na pawis ko sa noo at sa batok. Kaya naman ay pansamantala akong tumigil sa ginagawa.

Gamit ang panyo sa bulsa ng aking unipormeng suot ay pinunasan ko ang noo at mukha ko. Sinikop ko ang buhok ko pataas at pinunasan na rin ang batok pati ang leeg so I craned my neck from side to side.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Dinampot ko ang timba at ang mop para sana ipagpatuloy ang ginagawa ngunit pagpihit ko patalikod ay kaagad na tumama ang mga mata ko sa mata ni Sir... Felix.

I bowed my head slightly at nagpatuloy sa ginagawa. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong pumasok siya sa opisina niya dahilan para mapahinga ako ng maluwag.

Matapos nang paglilinis ko sa eighteenth floor ay tinawag ako ni Lisa mula sa locker. Aniya'y may iuutos daw sa akin si Sir Felix na ilang papeles. Pagdating sa opisina ay nakita ko doon ang bundok-bundok na papeles.

"Bring this all at the financial department," malamig na utos ni Sir Felix.

"Opo," I answered in a tiny voice.

Dumampot ako sa abot ng aking makakaya. Halos wala na nga akong makita sa daan dahil sa dami ng papeles na buhat-buhat ko. I even had to push the door myself and to push the button on the elevator. Nakakainis pa dahil sa third floor pa ang financial department!

Napairap na lang ako sa hangin.

"Excuse me, Miss. Can I help you?"

Ngumiti ako sa lalaking sumalubong sa akin pagdating ko sa financial department. "Uh, saan ko ba pwedeng ilagay ang mga papeles na ito?"

"Dito ba iyan?"

Tumango ako.

"Then let me help you." Marahan niyang kinuha mula sa akin ang mga papeles. "Ako na ang magdadala. Sa left wing ata ito ilalagay."

Sinundan ko siya para malaman ko kung saan ko ilalagay ang susunod pang mga papeles. Lumiko siya papunta sa isang abandonadong cubicle.

Nilapag niya iyon at ngumiti sa akin. "There." Naglahad siya ng kamay. "I'm Nolan, by the way."

I smiled back and accepted his hand. "Mauve."

"Nolan! Samahan mo ako sa marketing department! Ipasa natin 'to!" tawag ng kung sino mula sa likod ko.

May isinenyas si Nolan bago ngumiti at bumaling ulit sa akin. "Sige. Mauna na ako."

Tumango ako. "Thank you."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon