Chapter 47
ThreatNaging abala ako sa mga sumunod na araw. Lubos kong pinaghahandaan ang completion ni Izzie bukas at ang graduation ni Isaac sa Martes. Dahil magkasunod lang naman ang araw na iyon ay pinag-usapan naming isahan na lang ang gagawing handaan.
Malugod namang pumayag si Izzie na sa araw na lang ng Martes gawin ang salo-salo. At kahit Sabado pa lang ay nagsisimula na akong magdisenyo at maghanda para sa gaganaping kasiyahan.
I want my brothers to feel like their efforts in studying is appreciated by the whole family. Gusto kong gawing memorable ang ganitong mga achievements nila. Lalo pa't hindi naman lahat ay nakakarating sa ganitong punto ng buhay nila.
I, for example, was not able to graduate in college with my chosen degree unlike Ian.
"Ate, sama po ako sa inyo ni Kuya Felix."
Malambing kong tinignan ang grade five kong kapatid. "Sa susunod na lang baby, ha." Dinungaw ko siya at hinaplos ang buhok. "Marami kasing bibilhin si Ate at Kuya Felix. Hindi naman kami mamamasyal."
Bagsak ang balikat na tumango siya. "Opo."
Matapos masiguradong nasa bag ko na ang listahan ay lumabas na ako ng bahay. Nadatnan ko si Felix na nakatayo sa tabi ng kotse niya at may kausap sa cellphone.
"Fuck!" Hinampas niya ang kotse niya. "Just fuck it!"
Kumunot ang noo ko sa inaasta niya. May problema kaya? Gusto ko siyang tanungin pero hinayaan ko muna siya sa kausap niya habang nakatalikod sa'kin. Ayokong mang-istorbo dahil baka importante iyon.
Huminga siya ng malalim. "Tell her I'm in a vacation or something." His voice is full of frustration. "I don't want to hear from her for now."
Her? Tell her? Hear from her?
Is he... keeping something from me?
"Tell her that I'm suggesting for her to just go for another out of the country trip again." Humina ang boses niya sa sunod niyang mga sinabi. "And please don't tell her about everything that's happening now. Don't mention about my real whereabouts and don't you ever mention anything about Inah. All my fucking plans will be ruin if she came here. So fucking make sure that she's not stepping into the Philippines."
Nahigit ko ang hininga ko. Umawang ang mga labi ko sa narinig. Sino ba ang kausap niya? Sinong babae ang hindi dapat makaalam ng tungkol sa'kin? Bakit hindi niya sinasabi kung talagang nasaan siya? At... anong plano? Anong plano niya ang masisira?
Tatalikod sana ako pero huli na ang lahat dahil pumihit na paharap sa'kin si Felix.
"Fuck," he cursed looking at me with wide eyes. Kaagad niyang pinatay ang cellphone niya at itinago iyon sa bulsa ng pantalon niya.
Sinundan ko iyon ng tingin. Who are you talking to, Felix?
"Kanina ka pa diyan?" he asked with fear written in his eyes.
Should I tell him the truth or should I lie? Gusto kong malaman kung ano ang eksplenasyon niya tungkol sa mga sinabi niya kanina. Pero gusto ko ring malaman kung kusa niya iyong sasabihin sa'kin.
Is he hiding something from me? Is he lying? Is he doing something behind my back?
Napuno kaagad ako ng mga katanungan ngunit walang bumuhos kahit na isang sagot. I stood there, curious about the man standing before me.
Sino ang babaeng tinutukoy niya? Bakit ayaw niyang malaman ng babae kung nasaan siya at bakit ayaw niyang banggitin ng kausap niya ang tungkol sa'kin sa partikular na babae na iyon?
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
Любовные романыAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...