Chapter 29

8.7K 147 36
                                    

Chapter 29
Midnight Call

Buong magdamag akong nakatulala sa langit sa labas ng bahay, hindi makatulog. Nag-iisip kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Samantalang ang mga kasama ko sa bahay ay payapa nang natutulog.

"Ate Inah..."

Tinignan ko ang taong nagsalita. "Patty? Bakit gising ka pa?"

Ilang bahay lang ang layo ng bahay nina Patty sa bahay namin. Mula pagkabata ay madalas na silang magkasama ni Izzie dahil nagkakasundo sila sa maraming bagay.

Ngayong gabi ay dito siya nagpasyang matulog sa bahay dahil sa nangyari sa kapatid ko. And I appreciate how she genuine cares for my younger brother.

"Hindi po ako makatulog. Ikaw, Ate? Bakit gising ka pa?"

Umusog ako sa kahoy na inuupuan ko kaya umupo siya doon. "Hindi rin ako makatulog," tanging sagot ko at bumalik sa pagkakatulala sa kawalan.

Walang buwan pero maraming tala. Walang pangunahing pinagmumulan ng liwanag sa madilim na kalangitan pero mayroon pa ring mga pilit nagbibigay ng liwanag.

"Huwag po kayong mag-alala," aniya. "Aalagaan ko si Izzie. Ipapaalala ko sa kanya ang mga kailangan niyang gawin para gumaling."

I looked at her then. "Nag level-up na ba kayo from bestfriend?"

"Ate Inah, naman," paeang nahihiya niyang ani. "Bestfriend pa rin kami at habang buhay 'yon."

"Hindi ka niya linigawan?"

Mabilis siyang umiwas ng tingin. "May girlfriend po si Izzie, Ate."

"May girlfriend?" Bakit hindi ko alam ang bagay na iyon? "Bakit ikaw ang nag-aalaga sa kanya kung gan'on? Asan ang girlfriend niya?"

"Syempre po bestfriend ko siya. Kapag ako rin naman ang may sakit inaalagaan niya rin naman ako."

Tumango ako at muling tumitig sa kawalan. Medyo nalulungkot ako sa kaisipang bestfriends lang talaga ang tingin ni Izzie at Patty sa isa't-isa. Botong-boto pa naman ako kay Patty. Mula pagkabata kasi ay nasanay na akong sila lang lagi ang magkasama. And they get along so well, ni hindi nga sila mapaghiwalay.

But... baka naman sila in the end.

Mabuti na lang din talaga at naka-save ang number ni Sir Felix sa cellphone ko kaya hindi na ako nahirapang i-contact pa siya. Bahagya pa akong nagulat nang makita ang pangalan niyang Felix lang kaya kaagad ko iyong dinugtungan ng Sir.

I texted him that I might not go to work until tomorrow. Sa makalawa na kako ako luluwas ng Maynila. And I was surprise when he replied that fast.

From Sir Felix:
Can I call?

Hindi pa man ako nakakapag-reply ay tumutunog na ang cellphone ko dahil sa tawag niya. Napatingin ako sa mga kapatid kong babae at kay Patty na mahimbing ng natutulog. Sinagot ko rin kaagad ang tawag dahil baka may magising pa.

Tumalikod ako sa mga kasama ko. "Hello, Sir?"

"I've been waiting for you to call or even text me."

His voice is a bit hoarse and husky so I concluded that maybe he's already sleepy or he already fell asleep.

"Sorry po. Naging busy lang."

Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya. "How is Izzie, right?"

"Opo. Maayos na naman po siya."

I heard him sighed. "How about you? How are you?"

"Maayos naman po ako."

"Sorry. You sound sleepy. Did I wake you up?"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon