Chapter 32

8.7K 157 13
                                    

Chapter 32
Intense

I didn't sleep peacefully the night that incident happened. Nakakabaliw isipin na gusto ko ulit iyong mangyari kahit na alam kong mali.

I liked it, I admit. But I should've not. And tha's what makes it crazy. Hindi pwede pero nagustuhan ko.

"Good morning, Lis," bati ko kay Lisa pagkarating ko sa opisina niya.

Pansamantala pa rin akong nakiki-share ng opisina dahil may mga finishing touches pa sa opisina ko.

Tumigil siya sa paglalagay ng lipstick at nginisian ako. "Good morning. At talaga namang mas lalong magiging good ang morning mo sa bubungad sayo."

Kinunutan ko siya ng noo.

"There," pagnguso niya sa mesa ko.

Liningon ko iyon at nagulat nang makita ang isang malaking bouquet ng bulaklak at isa pang boquet ng mga libro. Kaagad ko iyong linapitan at sinuri.

"Kanino galing 'to?"

"Just read the card," tanging tugon ni Lisa at bumalik sa ginagawang pag-aayos sa sarili.

Kaya naman kinuha ko ang card na nakaipit sa bulaklak. Mabigat ang penmanship ngunit maayos at malinaw ang pagkakasulat.

Happy Valentines Day. Sorry for what happened yesterday. I just lose my control. Hope to see you at my office when you arrive.
-Felix

Tinignan ko si Lisa na malawak na nakangisi habang tinitignan ako. "Kay Sir Felix galing 'to? Bakit niya ako bibigyan nito?"

This is... odd.

She shrugged. "Aba'y ewan ko. Go to his office for you to know." Kinindatan niya ako at hindi ko alam kung para saan iyon.

Tinignan ko naman ang bouquet ng mga libro dahil napansin kong may card ding nakaipit. Kinuha ko iyon at binasa.

I don't know if you'll like these books but these are all romance genre, anyway. Enjoy reading.
-Felix

Tinignan ko ang mga libro na isang dosena at nakitang puro romance nga ang genre niya. Napakagat labi tuloy ako nang maalala ang book incident sa Singapore.

"Mauve!" tawag sakin ni Lisa. "Puntahan mo na sa office niya. Kanina pa siya dito. Nauna pa nga ata sa guard."

I blew a deep breath and followed whatever she said even though my heart is eratically beating. Tinahak ko ang opisina ni Sir Felix. Nadaanan ko ang opisina kong malapit nang matapos pero hindi man lang na-divert doon ang atensyon ko.

"G-good morning, Sir," bati ko pagkabukas ko pa lang ng pinto.

Hindi ko kayang tumingin nang diretso sa kanya dahil sa nangyari kahapon. Masyado pa iyong sariwa sa alaala ko at magpahanggang ngayon ay tila ramdam ko pa rin ang mga kamay niya sa katawan ko.

Nanatili akong nakatingin sa glass wall sa likod niya. Pinipilit ang sariling mamangha sa nakikitang mga building para lang mapigilan ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung ano-ano.

He looked at me then abruptly stood up. "Did you receive the bouquets?"

Tumango ako, nakaiwas pa rin ng tingin. "B-bakit niyo po ako binibigyan n'on?"

"Silly woman."

Humakbang siya lalo palapit sa'kin dahilan para mapaatras ako. I bit my lower lip trying to compose myself when I felt my back hitting the closed door. He stopped right in front of me, not caring that he's already invading my personal space.

Humalukipkip siya at matiim akong tinitigan. "Do you still don't get it? I thought you love romance books then why can't you still conclude?"

Halos mabingi na ako sa tibok ng puso ko. Hindi ako makatingin sa direksyon niya. I didn't know that falling in love is this... intense.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon