Chapter 16

8.9K 152 18
                                    

Chapter 16
Nagkulang

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kahit na marami akong masakit na iniinda ay mabilis akong nagpaalam kay Sir Felix, bumiyahe pauwi at kaagad na nag-impake. Wala si Trisha pagkauwi ko kaya naman mas naging mabilis ang kilos ko dahil walang magtatanong sa'kin.

Dala ang isang backpack na may lamang kaunting damit at pera ay kaagad akong tumungo sa terminal ng bus. Bumili ako ng ticket at halos isang oras na nag-antay para sa bus ko pauwi sa Bicol.

Tirik na tirik ang araw pero balot na balot ako ng jacket na suot dahil sa lamig na nararamdaman. Nang dumating ang bus ko ay kaagad akong sumakay at halos hindi na makapag-antay na makauwi sa probinsiya.

I don't know what happened with my little sister, Irene. Wala akong matandaang may sakit siya. It's my father who has cancer and Izzie who has leukemia. Maliban sa kanila ay may isa pang may sakit sa'min na si Isah na minor asthma lang naman. Kaya hanggang ngayon ay palaisipan sa'kin kung anong nangyari kay Irene.

Napakabata niya pa para mawala. She's just grade three so why should she go that early? Alam kong marami pang pangarap ang kapatid kong iyon kaya naman ngayon ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Because I am not good enough to work hard for them. I am not good enough to earn a huge amount of money to let her live.

Nakatulog ako sa biyahe at nagising ilang minuto bago tuluyang makarating sa istasyon. Two rides pa ang biyahe para makarating sa bahay kaya naman pagkatapos kong sumakay ng jeep ay nag-tricycle naman ako.

At sa maliit naming bahay na gawa sa kahoy at nipa ay nadatnan ko ang mga kapatid kong tahimik. Halos sabay-sabay silang nag-angat ng tingin sakin nang marinig ang pagdating ko. Then my sisters came rushing to me for a tight hug kung saan tuluyang bumuhos ang mga luha ko.

"Ate..."

Habang yakap nila ako ay tinignan ko naman ang mga kapatid kong lalaki na sina Ian, Isaac at Izzie. Hindi man sila tumakbo payakap sakin ay alam ko kung gaano rin nila ako namiss.

"Inah, bakit bigla kang umuwi? Hindi ka man lang nagpasabi," tanong ni Ate Irah habang hinahayaan akong magpahinga.

Wala sina Mama at Papa dahil sila ang nasa ospital at nag-aasikaso ng tungkol sa kapatid ko. Ginusto ko pa nga sanang pumunta doon kaso pinigilan ako ng mga kapatid ko. Lalo pa't may sakit din daw ako.

Kaya sa ngayon, nakaupo ako at pinaghanda ng makakain ng mga kapatid kong nakapaligid sakin ngayon. But it's incomplete because now we are only eight. Wala na ang bunso namin.

"Ate, anong nangyari sa kanya?"

Bumuga ng malalim na hininga si Ate Irah at naupo kaharap ko. "Matagal niya nang iniinda na may masakit sa kanya. Pero hindi namin siya magawang maipagamot kasi wala ngang pera. Akala namin simpleng sakit lang."

"Sana sinabi niyo sakin, Ate! Kaya ko iyong gawan ng paraan! Kaya kong magtrabaho ng magtrabaho para sa pera para maipagamot siy-"

"Magtrabaho ng walang pahinga?!" biglaang bulyaw niya sakin sa basag na boses.

Natahimik ako at ganoon din ang mga nakababata pa naming kapatid na napayuko na lang. Narinig ko pa ang mahinang paghagulhol ni Iloisa na inaalo ni Isah.

"Akala mo ba Inah, hindi ko alam na hindi lang isa o dalawa ang trabaho mo? Akala mo ba hindi ko alam na halos wala ka ng pahinga para lang makapag-ipon ng pera? Akala mo hindi ko alam na pati sa hatinggabi at madaling araw nagt-trabaho ka? Akala mo hindi ko alam na kahit anong sideline pinapasok mo na? Akala mo ba, Inah, hindi ko alam lahat ng iyon?! Alam ko 'yon, Inah. At nagagalit ako sa sarili dahil sa labis na paghihirap mo!"

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon