Chapter 52
SorryHindi ako nakapasok sa trabaho. Umiyak ako ng umiyak buong magdamag. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.
My brother is in a comatose state. My father is in the hospital. I am not financially stable to cover all those problems. In addition to that, I am now facing a new conflict in accordance to my relationship with Felix.
Hindi ko na alam ang gagawin ko at mas lalong hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa'kin kapag may dumagdag pang problema. Noong nagpaulan ata ng problema sa buhay ay sinalo ko lahat.
"Pasensya na talaga. Babayaran ko na lang kayo kapag nakaluwag-luwag na ako," paumanhin ko sa mga kabigan ko.
Pumunta ako sa condo ni Trisha at nakipagkita sa kanilang tatlo. Kinapalan ko na ang mukha kong manghiram ng pera sa kanilang tatlo na ngayon ko lang ginawa.
Hinawakan ni Trisha ang kamay ko. "It's okay, Em. Pera lang iyan."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Kyla. "Ang importante ay gumaling ang kapatid at papa mo."
"Kasya na ba iyang twenty thousand? I can lend you more money, just say girl."
Ngumiti ako kay Phil. "Huwag na. Nakakahiya na. May ipon pa naman ako."
At that day, I am so thankful for them being my friends. Alam kong may kanya-kanya silang problema. But they never talked about it. Ako ang paulit-ulit nilang kinamusta. They offered me so much help.
Iyon nga lang ay hindi pa ako makakabalik sa condo ni Trish ayon sa sinabi sa'kin ni Felix noong tawagan niya ako. Pansamantala daw kasing kumakampo si Warren doon para suyuin si Trisha. Probably to win her back.
At nakita ko nga ang mga gamit panlalaki na nagkalat sa buong condo ng kaibigan ko. Pero hindi ko naman naabutan doon si Warren.
"Sigurado kang ten thousand lang ang hihiramin mo?" paniniguro ni Lisa.
Nahihiya akong tumango. "Pasensya na talaga. Nangangailangan lang ako."
"Ano ka ba, wala iyon! Mabuti na nga lang talaga at marami ang naipon namin ni Jacob para sa future ng baby namin."
Nahihiya akong tumingin sa kanya. "Pasensya na talaga. Pati tuloy ang ipon niyo para sa anak niyo ay magagalaw pa."
"Wala nga iyon. Kakasabi ko lang na marami naman ang naipon namin 'di ba?"
Bahagya kong itinaas ang sampung libong hiniram ko sa kanya. "Salamat talaga. Babayaran na lang kita kapag nagkapera na ulit ako."
She smiled at me. "It's okay. Saka mo na isipin iyon."
"Asan si Ate Irah?" tanong ko kay Isah na nasa kabilang linya.
Numero ni Ate Irah ang tinawagan ko pero siya ang sumagot.
"Pinapakain niya po si Papa sa loob, Ate."
"Sabihan mo siya na huwag ng problemahin ang perang ipanggagastos. May nakuha na akong pera. Ang problema nga lang ay hindi pa ako makakauwi. Pansamantalang kinansela ang mga biyahe papunta sa Bicol dahil sa bagyo. Kaya baka pagkatapos pa ako ng bagyo makauwi diyan."
Napalunok ako habang tinitignan ang balita sa TV tungkol sa darating na bagyo. Inaasahan iyong magla-landfall mamayang madaling araw sa Bicol.
"Sige po, Ate. Sasabihin ko po sa kanya."
Pinatay ko ang TV. Malaki ang kabang idinudulot sa'kin ng balita. "Kamusta naman ang panahon diyan?"
"Medyo maulan na po saka mahangin." Someone called her on the other line. "Paalam na, Ate. Tinatawag ako ni Ate Irah."
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...