Chapter 49

7.1K 112 8
                                    

Chapter 49
Misery

The night after the celebration we started to pack our things, getting ready to go back to Manila. Though Felix doesn't have that much stuffs to pack. Umaga ang alis namin at gabi pa lang ay sinigurado niya nang maayos ang kondisyon ng sasakyan na gagamitin namin pabalik ng Maynila. We are going through land trip.

"Mag-ingat kayo," bilin ni Mama. Bumaling siya kay Felix. "Kapag inaantok ka ay mas mabuting tumigil muna kayo at baka kung mapano pa kayo."

"Opo," magalang na pagtango ng katabi ko.

"Mag-ingat ka doon, anak. Huwag mong pabayaan ang sarili mo," habilin naman ni Papa.

Tumango ako. "Kayo rin po. Mag-ingat kayo dito at alagaan niyo ang sarili niyo. Huwag masyadong matigas ang ulo."

Niyakap ako ng mga kapatid ko maging ni Ate Irah na ramdam ko pa rin ang bahagyang pag-iwas. Kumaway pa ako sa huling pagkakataon habang unti-unti kaming lumalayo sakay ng kotse. It would take a long time before I can embrace them again.

Inabot ni Felix ang kamay ko na nakapahinga sa hita ko. "You can sleep. I'll wake you up to eat."

Bagaman umiling ako ay natagpuan ko pa rin ang sarili kong unti-unting nilalamon ng antok. Masyado akong pagod sa pag-aasikaso ng okasyon kahapon.

Naging maayos naman ang biyahe namin at katulad ng sabi niya ay ginigising niya ako kapag kakain kami. Mabagal ang patakbo niya kaya talagang mas lalong naging matagal ang biyahe namin.

"Pwede tayong magpahinga muna. Alam kong pagod ka na," opinyon ko.

Umiling siya. "Saka na tayo magpahinga kapag nakarating na tayo."

Habang kumakain kami ng hapunan sa isang restaurant ay napansin ko ang maya't mayang pagtunog ng cellphone niya. Paulit-ulit rin ang pagpatay niya sa tawag ng kung sino mang nasa kabilang linya.

"Eat more," wika niya at dinagdagan pa ang pagkain sa plato ko matapos ng ikalimang tawag.

Pansamantala iyong tumigil ngunit nang nasa biyahe na muli kami ay muli namang tumunog nang paulit-ulit ang cellphone niya dahil sa tawag ng kung sino. I tried leaning into the dashboard, where his phone is, to see the caller ID. But he already rejected it.

Tinignan ko siya, nakataas ang kilay. "Bakit hindi mo sinasagot?"

I noticed him clenching his jaw and gripping the wheel harder. He shrugged. "Not important."

Kung hindi iyon importante ay sana hindi iyon paulit-ulit. Gusto ko siyang komprontahin but I controlled myself not to. Masyado na siyang pagod sa pagd-drive at kung gusto niya mang sabihin ang tungkol doon sa'kin ay bubuksan niya ang usapang iyon.

I feel asleep again. Naalimpungatan noong maramdaman ko ang mabilis na takbo ng sasakyan pero malakas ang hila sa'kin ng antok. When I woke up again, Felix is already laying me down on a bed.

"Nasaan na tayo?" I asked in a hoarse voice and with sleepy eyes.

He kissed my forehead. "In my penthouse. It's already early in the morning. But you can still sleep."

Tumango ako at muling ipinikit ang mga mata.

"Fuck it! Just fuck it!"

Idinilat ko ang mga mata ko, gulat sa naririnig na pagsigaw ni Felix mula sa labas ng kwarto niya. Maliwanag ang araw sa labas na aking nakikita dahil sa kurtinang abot sa sahig na nakaparte.

Iniapak ko ang mga paa ko sa malamig na tiles ng kanyang kwarto. Natigil na ang pagsigaw niya and I can't even hear any sounds at all now.

Lumabas ako ng kwarto at iginala ang mga mata sa kabuuan ng lugar. Sa kusina ko natagpuan si Felix, umiinom ng alak.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon