Chapter 17

9K 166 9
                                    

Chapter 17
Be My Secretary

Mabuti na lang din at Linggo nang sumunod na araw kaya hindi ko kailangang magtrabaho sa kompanya. Iyong iba ko namang trabaho ay inasikaso muna nina Trisha at sinabing hindi muna ako makakapasok dahil nagkasakit.

I'm kind of afraid that I might get fired on my sidelines since I wasn't able to make it this past few days. But I realized that they're right, I also need to rest.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Trish habang nanonood kami ng isang K-drama.

"Oo. Mas maayos na kumpara noong mga nakaraang araw."

"Iyan na kasi ang sinasabi namin sayo, girl. Masyado kang workaholic," gatong pa ni Phil.

"Tumahimik ka na Felipe, hayaan mo na muna si Em," saway ni Kyla.

Hapon na at tumambay sila dito sa condo ni Trish para raw manood ng K-drama na pinasimunuan ni Philippe. Pero hindi naman ako maka-relate at gan'on din ata si Trish na panay lang ang tipa sa cellphone.

College pa lang ay talagang mahilig na sa K-Drama sina Phil at Kyla. Palagi silang nagkakasundo sa mga pinapanood at palagi ring nag-aagawan sa mga koreanong inaangkin nila bilang asawa. Pati ang mga trends at lifestyle ng mga koreana ay ginagaya nila.

Kumuha ako ng isang slice ng pizza at itinuon ang buong atensyon sa pinapanood sa flatscreen TV.

The leading lady and the leading man are having some quarrel. And I wouldn't really understand everything if not for the subtitles.

"Wala ba kayong mga trabaho ngayon?" tanong ko dahil may mga pagkakataon na kahit Linggo ay may trabaho sila. Lalo na si Kyla.

"Wala," sabay na sagot ng dalawa na nakatuon ang buong atensiyon sa TV.

Dumapo ang tingin ko kay Trish nang tumayo siya dahil sa pagtunog ng cellphone niya. Narinig ko ang pag-hello niya sa kung sino mang nasa kabilang linya bago siya tuluyang mawala sa paningin at pandinig ko.

I spend that lazy afternoon with the three of them. Panay lang kami kain, usapan at nood ng kung ano-anong K-drama at movie. Hanggang sa nagpaalam na sina Kyla at Philippe.

Maghahanda na sana ako ng hapunan nang madatnan ko si Trish sa sala na nagsusuot ng sapatos. "May nangyari ba sa trabaho?" kuryusong tanong ko.

Nag-angat siya sakin ng tingin. "May lalakarin lang ako at hindi na ako kakain dito. Huwag mo na rin akong antayin dahil gagabihin ako."

Sa tabi niya ay ang maliit na itim na purse at ang cellphone.

Tumango ako. "Mag-ingat ka."

"Kung hindi mo na kayang magluto, magpapa-deliver ako."

"Huwag na," pagtanggi ko. "Busog pa naman ako. Magce-cereal na lang ako."

"Gan'on ba?" Tumayo siya. "Do I look okay?"

Nakasuot siya ng baby blue dress at kulay cream na flat shoes. I'd like to think that she's not going to work since that is not her usual outfit. But maybe she's already adapting to changes and finally learning from Phil's lecture about fashion.

Knowing how Phil always lectures her, and also me, about the latest trend and fashion. He always said that fashion and style is a must for a lady like us. I still remain with my simple get up though.

"Oo. Bagay sayo ang dress mo."

"Thank you." Dinampot niya ang mga gamit katabi niya. "Sige, mauna na ako."

Palabas na siya ng pinto nang makita ko ang susi ng kotse niya. "Trish, susi mo naiwan mo."

Hinarap niya ako at umiling. "May susundo at maghahatid sakin."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon