Chapter 50

7.6K 116 6
                                    

Chapter 50
My Only Woman

I was stuck between staying and going home to Bicol. Pero mas pinili kong manatili na muna. Tinapos ko ang trabaho ko nang wala ako sa sarili at ilang beses ko pa iyong dinouble check dahil baka may mali. Pero sa pagitan ng pagchi-check ko ay nawawala pa rin talaga ako sa sarili.

"Are you okay?" tanong ni Lisa.

Inilagay niya ang mga folders sa tabi ng lamesa ko. Iyon ata ang tinutukoy niya kaninang kailangang pirmahan ni Felix.

Tumango ako nang hindi tumitingin sa kanya, natatakot na may makita siya. "Ayos lang."

Nakita ko ang pagtayo niya sa harap ng mesa ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"

Bumuntong hininga siya. "Well, you don't look okay." Iginala niya ang tingin sa opisina ko. "By the way, I haven't seen Sir Felix around. Sabay naman kayong bumiyahe 'di ba? Bakit hindi siya pumasok ngayon?"

Umiwas ako ng tingin at nagkibit balikat. "Hindi ko alam."

Matatapos na naman ang araw pero talagang hindi ko siya nakita. Maliban sa text na natanggap ko kagabi ay wala na siyang ginawa para makontact ako. So I figure out that he's so busy... probably busy with someone doing something.

"Hindi ka pa ba uuwi? Alas dyes e medya na. Pwede kang sumabay sa'min ni Jacob. Ihahatid ka namin."

"Huwag na," iling ko. "Kaya ko ang sarili ko. Uuwi rin ako mamaya. Tatapusin ko lang 'to."

"Sigurado ka?"

"Yup," pagtango ko, nakayuko sa binabasang business proposal.

"Okay, then. Uuwi na ako."

"Ingat."

Narinig ko ang mga hakbang niya patungo sa pinto, palayo sa'kin. Nagbukas sara ang pinto at nakahinga ako ng maluwag nang wala na siya.

Isinara ko ang mga folders at itinabi iyon. Hindi magiging maganda ang performance ko sa trabaho sa ganitong kalagayan.

Dinampot ko ang cellphone ko sa tabi at nag-scroll down sa contacts para tawagan ang pamilya ko. Pero nang mahagip ng mata ko ang pangalan ni Felix na nasa speed dial ko ay natigilan ako.

Tatawagan ko ba siya? I-me-message? Hindi ko alam.

Napagtanto ko tuloy na palaging siya ang gumagawa ng unang hakbang. He has always been the one to call and message first. Hindi ako. But maybe I could try.

Nanginginig ang mga daliri ko iyong pinindot at pigil ko ang hininga ko habang nagri-ring iyon. Sa ikalimang ring ay sinagot niya iyon.

"Felix. Nasaan ka na ba? Hindi ka pumasok. Nag-aalala na ako."

Gusto kong sabihin ang nakita ko kanina pero pinigilan ko ang sarili ko. He should open that topic himself. That is... if he love me enough to share his secrets.

"Who's this?" someone asked in an irritated voice.

My breathing hitched. Babae ang sumagot. Nanggilid ang mga luha sa mata ko. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Has he been cheating at me all the time?

Bahagya kong inilayo ang cellphone sa tainga ko para tignan kung tama ba ang tinatawagan ko. My heart throbbed achingly. Tama naman. Number ni Felix ang natawagan ko.

Bakit babae ang sumagot? Asan siya? Bakit babae ang may hawak ng cellphone niya na kahit kailan ay hindi ko man lang nga nahawakan?

"S-si Felix?" nanginginig ang mga labing tanong ko.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon