Chapter 19

8.9K 142 6
                                    

Chapter 19
Make over

It's a sunny Saturday when Lisa just suddenly grabbed my hand dragging me to a car. Nakaparada na ang kotse sa harap ng building na para bang nakahanda na iyon doon.

"Teka lang, Lisa. Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakaupo na katabi niya sa likod ng kotse.

Taas kilay niya akong tinignan. "Sir Felix didn't tell you?"

Kumunot naman kaagad ang noo ko. "Sinabi ang alin?"

Maliban sa mga iniutos niya kanina ay wala na siyang ibang sinabi pa. Bakit? May kailangan ba akong malaman?

Nagsimula namang mag-drive ang driver kahit na wala pang sinasabi si Lisa.

Ngumisi siya. "He told me to bring you at the mall and shop. Kailangan daw kitang samahan mamili ng mga damit mo."

"Bakit? Para saan?"

The last time I checked it wasn't included in my job description.

"As his secretary," she replied matter of factly. "As a secretary of a billionaire kailangang presentable ka rin. Your clothes should be in line with the trends lalo na kapag may mga business meetings kayong dadaluhan international. Katulad na lang ng darating na trip niyo to Singapore n-"

"Trip to Singapore?" bulalas ko. "Anong gagawin namin sa Singapore?"

Lisa is the former secretary and I am the new one. Pero bakit parang mas maalam pa rin siya kaysa sa'kin? Am I really being an inefficient employee?

Ni wala akong katiting na alam tungkol sa sinasabi niyang trip to Singapore! Nag-check ako ng mga memorandums kanina pero wala naman gan'on. O baka nasa schedule 'yon ni Sir Felix na hindi ko pa natitignan ngayon?

Sabi niya kasi ay unahin ko nang basahin ang mga memo bago i-update ang schedule niya. Dahil sa mga memo naman nanggagaling ang karamihan sa schedule niya.

"'Di ba nga nakapag-close siya ng deal doon? And soon enough he will be building a branch of his company there. Iyong sarili niya na talaga. Kaya ngayon pa lang ay naghahanda na siya ng mga meetings together with some possible investors," paliwanag niya.

Lisa continued lecturing me about the things I should learn as a secretary of an international billionaire. Nangunguna na doon ang pagiging presentable at confident.

Pagdating sa mall ay pumasok kami sa iba't-ibang boutique. She picks suits and dresses from the racks then give it to me for fitting. And without seeing the price she paid for it right away.

"Ang mamahal ng mga damit," komento ko habang tinitignan ang mga price tag na nakakabit dito. "Sigurado ka bang kailangan natin 'tong bilhin?"

The price ranges from thousands to hundred thousands. While most of the clothes doesn't have price tags and I assumed right away that it's more expensive. And personally, I don't think I really need such expensive clothes. Kahit na siguro yumaman ako ay hindi pa rin ako gagastos ng malaking halaga ng pera para lang sa isang damit na paglulumaan at masisira rin lang naman. I'd rather use the money to help poor citizens.

Kaya nga lang ay wala akong ganoong pera.

"Don't mind the price. Sir Felix is willing to spend all his digits for you," pagkindat niya.

"Ha?"

"Wala. Sabi ko tara na at bibilhan kita ng mga stilletos."

Naglakad lakad kami habang nasa likod namin iyong driver namin kanina bitbit ang mga paperbags na naglalaman ng pinamili naming damit. Pumasok si Lisa sa isang boutique na may mga naka-display na high heels. Kumuha ako ng isa at agad din iyong binitawan nang makita ang presyo.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon