Chapter 31
AlmostFor a moment since the door closed and Lisa disappeared, nobody dared to speak between us. Nandoon lang kaming dalawa ni Sir Felix sa sala, tahimik at hindi nagtitinginan. Kaya naman humugot ako ng lakas ng loob para basagin ang katahimikan dahil kung magpapatuloy iyon ay lalo lang magiging awkward.
"Sir, ano po ba ang gagawin ko sa mga papeles na 'to?" tanong ko at nagpanggap na inuusisa ang gabundok na papel sa harap ko.
These papers are too much work. Pero mabuti na rin iyon para may dahilan ako para maging busy at nang sa ganoon ay matigilan ko na ang pagpuna kung gaano ka-akward ang sitwasyon namin ngayon.
"You have to highlight all the dates and the conferences including the topics that have been discussed and the agreements that have been made. Gawa'n mo iyan ng summarize sa isang data. After that, you have to update my schedule for the next following months," paliwanag niya.
Tumango ako at umupo sa sahig kaharap ng center table para magsimula na sa gagawin.
"What do you want to drink and eat?"
Umiling ako nang hindi tumitingin sa kanya. "Ayos lang po ako. Busog pa ako."
He didn't say anything until I heard him walk away. Dahil sa nararamdaman ko ay hindi na ako masyadong nagiging komportable kapag malapit siya. Kaya naman ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ko sa pag-alis niya. But it was shortlived.
He came back in an instant with a laptop on his hand. I felt him throwing a glance at me and I took all my courage to stop myself from glancing back at him. He settled on the single sofa and minded his own business.
Nararamdaman ko ang paninitig niya paminsan-minsan pero hindi ako nag-abalang tumitig o tumingin pabalik sa kanya. Naririnig ko ang maingay niyang pagtipa sa laptop na tanging ingay na maririnig maliban sa paghinga namin.
Kapag nawawala ang ingay noon ay nararamdaman ko ang mga mata niya sa akin. Hihinga siya ng malalim at muling gagawa ng ingay ang pagtipa niya sa laptop. I busied myself with the tons of papers placed in front of me and I let myself be lost in it so that I'll stop noticing him.
Luckily, it worked. Dahil hindi ko malalaman na tanghali na kung hindi niya binasag ang katahimikan, asking what should we have for lunch.
"What do you want to eat? Do you want me to cook or let's just call for a delivery?"
"Ikaw po bahala, Sir," I answered without looking at him.
"I don't have time to cook if you're already starving. So maybe I'll just call for a delivery," paliwanag niya.
I don't even know why he is explaining himself in the very first place. Kaya ko namang kainin ang kahit anong ihanda niya sa harap ko. Hindi ako mapili sa pagkain siguro dahil na rin lumaki ako sa hirap. Kaya kung anong nakahain ay kinakain ko at kahit hindi ko iyon gusto ay hindi ako nagrereklamo.
Tumayo siya at tumalikod, ang cellphone ay nakatapat sa tainga at may kausap na sa kabilang linya. At dahil nakatalikod siya mula sa'kin ay nagkaroon na naman ako ng lakas ng loob na tignan siya. Ngunit hindi pa man dumadapo ang mga mata ko sa likod niya ay humarap na ulit siya kaya nagkatinginan kami.
I quickly looked down at the papers in front of me. I cleared my throat and pretended to be busy as I can feel his intense stare at me. Naramdaman kong nagtagal pa iyon hanggang sa matapos siya sa pakikipag-usap sa kabilang linya.
"I ordered steak and pizza. Do you have any preference?" he asked me even though his phone is already on his hands. A sign that he's already done talking to whoever is on the other line.
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...