Epilogue

10.7K 179 34
                                    

Epilogue

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagbukas ng mabigat na double doors. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin kahit na wala naman masyadong dumalo sa kasal na ito.

It's just my family. Filimon's family that I haven't even meet. And of course, Mrs. Brockmann with his guards and Harriet. Nandito siya para siguraduhing tutupad ako sa usapan.

Hindi ko naman ginustong maging engrande ang kasal na ito lalo pa't hindi ko naman mahal ang lalaking nasa dulo ng pulang pasilyo. Pero ipinagpilitan ni Mrs. Brockmann na gawin itong magarbo para raw hindi ko masabing pinagkakaitan niya ako.

The church is so full of decorations. At lahat ng dekorasyong iyon ay nakasunod sa mga paborito ni Felix. Because using his favorites is the only key for me to think that I am indeed marrying him. But, obviously, he is not the person waiting for me near the altar.

I took my first step. Mabigat iyon na para bang sinasabi ng paa ko na hindi ko gusto ang daang tinatahak ko ngayon. And that is the truth.

Buong buhay ko wala akong pakialam sa sariling mga kagustuhan ko. Pero nang dumating naman ang panahon na gusto kong piliin ang sarili ko ay maraming humadlang. Maybe it's the way of destiny saying that we are not really meant to be. And the only choice left for me is to accept that.

Pero hindi ko pa kaya. Hindi pa kaya ng puso ko na tuluyang aminin sa sarili ko na hindi na nga talaga kaming dalawa.

Muli kong inihakbang ang mga paa ko. Mabagal... matagal... walang gana.

Isa sa mga pangarap ko noon ay ang gawing memorable, kung tawagin, ang magiging kasal ko sa lalaking mahal ko. Naniwala ako sa mga imposibleng nangyayari sa mga libro. Nagpantasya ako na pwedeng mangyari sa totoong buhay ang mga romansang ganoon.

I have fallen in love with someone. He who brings color to my dark world. He who makes my burdens light. He who gives me energy to be my best self. He who inspires me to do more. He who teaches me to be more.

Magkalayo ang mundo namin. Magkaiba kami ng ginagalawan. Hindi nagkakatugma ang mga buhay namin. Pero umasa ako. Na baka tulad sa mga librong nababasa ko ay magiging masaya kaming dalawa sa piling ng isa't-isa sa huling pahina.

But obviously, we aren't ending up with each other. We are not each others end game. We are not the characters in the epilogue.

Noong una pa lang na magtagpo ang aming mga mata ay literal na tumigil ang mundo ko. Hindi ko marinig noon ang mga sinasabi ng kaibigan ko at ang ingay ng paligid. We stood there in the middle of the church staring at each other.

Natulala ako sa kanya. Nabingi ako sa lakas ng kalabog ng puso ko. Tila naubusan ng hininga dahil sa malalim niyang mga mata.

Pero alam kong iba ang dahilan kung bakit nakatitig siya sa akin. Kabaliktaran ko, alam kong galit at pagkasuklam ang naramdaman niya para sa'kin.

I tried hiding from him. But destiny has its own way to let us meet.

Na-trace niya ako at ginamit niya ang kahinaan ko na naging dahilan para sumuko ako sa kanya. Kung alam ko lang noon na siya lang pala ang magpapasaya sa akin ay sana hindi na ako nagtago, hindi na ako lumayo.

Habang tumatagal ako sa tabi niya, natagpuan ko ang sarili kong unti-unting nahuhulog sa kanya. I tried hard surpressing my feelings for him and in some ways I successfully did. But in someways, I hadn't.

Sinilip ko siya mula sa pagitan ng mga libro sa bookshelves na nililinisan ko. Nakasandal siya sa swivel chair niya, nakatitig sa laptop habang nakakunot noo, hinihimas niya ang pang-ibabang labi niya at tila ba ang lalim ng iniisip niya.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon