Chapter 12

9.3K 164 5
                                    

Chapter 12
Out Of League And Reach

Binilisan ko na lang ang ginagawa kong pagtanggal ng mga nakabutones. Pero nang matapos ako ay napailing na lang ako. I swallowed something in my throat. How can I undress his polo off of him?

"Para sa pera," pagpapaalala ko sa sarili ko.

Maingat ko siyang tinulak para maitagilid ang katawan niya nang sa ganoon ay matanggal ko ang polo niya. Luckily ay mabilis kong natapos ang ginagawa ko. Pero kasunod naman noon ay ang pagproblema kung paano ko isusuot ang sando niya.

"Bwiset naman kasi talaga. Kayong mga lalaki kayo iinom-inom tapos ganito," naiiling na sermon ko sa natutulog niyang diwa.

Sapilitan ko na lang na inangat ang ulo niya at isinuot nang maingat ang sando. Inilusot ko rin ang mga braso niya sa manggas nito at napahinga ako ng maayos pagkatapos. Pero shit nga naman at hindi pa pala tapos ang problema ko!

Napatingin ako sa pantalon niya. Sabi ni Sir Warren ay nakaboxer lang natutulog 'tong si Sir Felix. Pero baka naman pwedeng hindi ko na hubarin ang pantalon niya tutal naman may sakit siya at baka lamigin.

Well, whatever.

Tumayo na ako at lumabas sa kwarto niya. Iginala ko ang paningin ko at napansing napakalaki talaga ng penthouse niya at napakalinis pa. Kaunti lang ang mga gamit at simpleng brown ang motif.

All the furnitures are made up of woods even the paintings are framed with it. Wala masyadong dekorasyon at talagang masasabi mong napaka-boring nitong penthouse niya.

Kung sabagay, hindi nga naman nalalayo ang buhay niya sa disenyo nitong penthouse niya. Plain. Boring.

"Napalitan mo na ba siya?" pagsulpot ni Sir Warren.

Napatingin ako kay Sir Warren at umiling. "Iyong pantaas lang po pero pambaba, hindi."

"Bakit? Tatanggalin mo lang na-"

"Baka po lamigin siya at may sakit siya," kaagad na depensa ko.

Mahirap na at baka kung ano-ano na naman ang sabihin niya.

Tumango siya. "Nagpa-deliver na ako ng pagkain dito pero maya-maya pa iyon. Sana hindi ka pa ganoon kagutom."

"Busog pa naman po ako."

"Kung gan'on, ituturo ko muna sayo ang guest room kung saan ka matutulog. Halika."

Sumunod ako sa kanya. Pumunta siya sa kaliwang pasilyo at huminto sa ikatlong pinto. "Dito ka na matulog. Iyang kwarto lang ang alam ko ang susi eh."

"Wala pong problema."

Tumawa siya na pinagtaka ko. "Huwag ka nang masyadong magalang sa'kin. Ayos lang kung Warren na lang ang tawag mo sakin."

Tumango ako at hindi na sumagot pa.

Matapos nang maikling usapan na iyon ay nagpaalam siyang bababa lang daw siya at iche-check kung dumating na ang pagkain. Gamit ang susing binigay niya ay binuksan ko ang guestroom.

Napaawang naman ang labi ko nang makapasok. Kahit guest room lang 'to, sobrang laki pa rin! May sariling banyo pa, hindi nga lang kasing laki ng nasa kwarto ni Sir Felix. Pero mas maayos naman ang disenyo dito kaysa sa kabuuan ng lugar.

Puti ang dingding, ganoon din ang mga pader. Ang mga gamit ay pinaghalong kulay ng puti at itim. Ang puting kurtinang tumatabing sa bintana ay nakalugay dahilan para bahagyang mas madagdagan ang kadiliman sa silid. Katapat ng kama ay ang isang katamtamang laking cabinet. At sa kanang bahagi no'n ay ang pinto na ng banyo.

Kakaunti lang ang mwebles pero halata namang mamahalin ang mga iyon. Kahit nga ang maliit na flower vase sa bedside table ay nababalutan ng kumikinang na mga diamante.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon