Chapter 20

9.1K 156 7
                                    

Chapter 20
Celebration

"Dito na lang po," I told the taxi driver who helped me carry all the paperbags containing what Lisa bought for me.

Siya ang kumuha ng taxi para sa'kin na binayaran niya na umano sa utos ni Sir Felix. Dahil nga paniguradong mahihirapan ako sa lahat ng dala ko pauwi. And I agreed to bring everything at Trisha's condo all at once since I know that there'll be nobody home.

Or so I thought.

"Em!"

Sa magkabilang single sofa ay nakaupo sina Phil at Kyla habang si Trish ay nasa mahabang sofa. Sa harap nila ay ang center table na puno ng pagkain katulad ng pizza, donut, fries at iba pa.

"T-trish..." I stammered. "Ky... Phil..."

I'm not really expecting them! Bakit ba kasi palagi na lang wrong timing ang mga nangyayari sa'kin sa buhay?

Ngunit parang mas gulat sila kaysa sa'kin. Si Trisha ay nakanganga, si Kyla napatakip sa bibig niya habang si Phil naman ay madramang nakahawak sa dibdib habang nanlalaki ang mga mata. I was quite confused with their reaction.

"B-bakit?"

"Did you just went on a salon?" tanong ni Phil na unang lumapit sa'kin.

That's when I realized something. Pinaayusan nga pala ako ni Lisa at ang ayos ko ngayon ay malayong malayo sa nakilala nilang Inah Mauve Mangaldan.

"Uh, nautusan lang na magpa-ayos ng sarili. Utos ng amo ko."

Humalukipkip sa harap ko si Kyla at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Inutusan ka ng boss mong magpa-ayos?"

I bit my lip realizing how Ky delivered her question. Isa ito sa mga struggles kapag mayroon kang kaibigang abogado. Because they sound like an NBI who always investigates and see something in everything. Kahit maliliit na detalye, hindi pinapalampas!

Tumango na lang ako para hindi na madagdagan pa ang mga katanungan nila sa'kin.

"Sana all 'di ba?" eksaheradang ani Phil. "Sana ganyan din ang boss ko."

"Do you still have money left?" si Trisha.

I bit my lower lip and looked away. "Siya... ang gumastos sa lahat."

The room was suddenly filled with silence. Ramdam ko ang pagpapalitan nilang tatlo ng tingin. Kaya naman bago pa sila makapagtanong ulit ay binalingan ko na ang mga paperbags sa hamba ng nakabukas pa ring pinto.

"Ipapasok ko muna ang mga 'to."

Marami iyon at alam kong hindi ko iyon madadala ng isahan sa kwarto ko pero sinikap kong damputin lahat ng kaya ko para mas mabilis na makatakas sa harap nila. Kaya nga lang ay talagang mas mabilis sila lalo na si Kyla.

"And did you went on a shopping?"

"Oo nga, ano? Nag-shopping ka nga ba, Em?" pag-uulit ni Phil sa tanong ni Ky. "Dapat in-inform mo ako. I wanna shop too."

"At talaga bang hindi ka naubusan ng pera?" dagdag pa ni Trish. "All of those looks branded and luxurious."

Napabuga ako ng hininga. This is it. I really should explain everything. And I also really should tell the truth. Ayokong magsinungaling sa kanila. Kahit na nga hindi ko alam ang iisipin nila kapag sinabi ko ang totoo.

But they're my friends and they didn't judge me in the past few years that we've been together kaya siguradong hindi rin nila gagawin iyon ngayon.

"A-ang boss ko rin ang g-gumastos dito."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon