Chapter 23

8.9K 153 1
                                    

Chapter 23
Singapore

I was biting my lip the whole drive. Gusto ko kasing magpasalamat sa kanya pero naka-on na naman ang suplado niyang mukha. Kaya nag-aalangan akong basagin ang katahimikan.

Huminto siya sa mismong tapat ng convenience store na pinagt-trabahuhan ko. I felt the need to thank him again so I did after a series of gulping.

"T-thank you," I mumbled.

Pero hindi siya sumagot at ni hindi man nga lang ako tinignan. Kaya para maisalba ang sarili ko ay nagmamadali na lang akong bumaba.

I wonder what got into him for him to offer me such a ride. Hindi naman sa sinasabi kong sobrang sama niya para hindi gumawa ng ganoong kabaitan. Sadyang hindi ko lang talaga ma-imagine na may ganoon din pala siya kabait na side. Sabagay, lahat naman ng tao may good side kahit na gaano pa kasama ang tingin sa kanya ng mundo.

Nakapasok na ako sa convenience store at nakatanaw sa kanya nang humarurot siya paalis.

"Boyfriend mo?"

Mabilis akong umiling sa tanong ni Sally. "Uh..." Hindi ko alam kung tama bang sabihing boss ko iyong naghatid sa'kin. Dahil mas lalo iyong... weird. "K-kaibigan lang."

Mukhang wala naman siyang ibang inisip tungkol d'on kaya nakalampas ako.

Nag-aayos ako ng mga cup noodles nang may mapagtanto. Paano nalaman ni Sir Felix na dito ako nagt-trabaho?

The next day I came to work Sir Felix told me, through Lisa's telephone, to go to his office.

"Bakit niyo po ako pinatawag, Sir?"

"Quit with your other jobs," he mandated with his thundering voice.

His cold eyes are gazing right through me. Na para bang ang malamig niyang tingin na iyon ay tumatagos sa'kin. Idagdag pa ang makapal niyang kilay na nagdadagdag ng kabigatan sa ekspresyon niya.

"Akala ko po ba... okay na iyon sa inyo?"

Napag-usapan na rin namin ito noon and he already agreed with my schedule. Kaya bakit niya na naman ito ginagawang big deal ngayon?

May kinalaman ba ito kagabi?

But on the second thought, why would he decided such thing just because of what happened last night? Hindi niya naman ata nakita iyong panghihipo sa'kin. At kung nakita niya man, ano naman iyon sa kanya 'di ba? Surely, it's just nothing to him.

"I want you to fucking quit with that jobs," he repeated in a more harsh tone now. "You want to pay me for that fifty thousand pesos, right? Then, you can pay me that through working for me. Full time."

Sa huli ay wala akong nagawa. I agreed with his offer. Personal kong linakad sa araw ding iyon, katulad ng utos niya, ang mga pinapasukan kong trabaho at sinabing magre-resign na ako. It was okay with all of my managers and Tita Loren even gave me salary more than what I expected.

"You're the most hardworking employee I've ever hard," she told me. "Isa kang malaking kawalan."

Then the following day, I just find myself packing things up to go to Singapore with Sir Felix, alone. Kung ano-ano pa nga ang ibinilin sa'kin ng mga kaibigan ko pero ang bilin ni Lisa at Philippe ang hindi ko susundin. They repeatedly told me to seduce Sir Felix which causes me to cringe.

Hindi ko talaga alam kung ano ba ang nagiging dahilan para payuhan nila ako ng ganoon.

It's already Christmas eve and I was planning to go home at the province to celebrate Christmas with my family but I can't. Kailangan kong magtrabaho para sa kanila. So I'd rather sacrifice my own happiness for theirs. Isa pa, mas madalas ko na rin naman silang nakakausap dahil sa cellphone na bigay ni Sir Felix.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon