Chapter 11

9.4K 135 5
                                    

Chapter 11
Penthouse

Sir Felix is sick according to Lisa who checked on him. And I thought that would be my moment to rejoice but I am such an unfortunate woman.

"Doon mo na lang siya iuwi sa condo niya," wika ni Sir Warren sa kabilang linya ng cellphone ni Lisa. "Mahaba ang biyahe papunta sa bahay niya at mahihirapan ka lang makabalik."

"Per-"

"Don't worry. Sasamahan kita sa condo niya. I know his passcode and room number. I'm on my way there," dagdag niya pa kaya napanatag naman ako.

I tried searching for reasons to escape the situation. But no words are formed in my mind.

"Sige po," pagsang-ayon ko sa huli.

Naputol ang tawag at ibinalik ko ang cellphone ni Lisa sa kanya.

"Anong sabi?"

"Sasamahan niya raw ako sa condo ni Sir Felix," tugon ko. Umirap ako. "Kung bakit ba naman kasi ngayon pa siya nagkasakit? At kung bakit ba kasi tinanggap ko pa ang alok niyang maging katulong niya? Kargo ko pa tuloy siya ngayon."

"Just think of the money you'll earn."

And I did. Kailangan ko pa atang ulit-ulitin sa isipan ko na malaki ang maitutulong sakin ng perang manggagaling sa lalaking iyon.

Bumuntong hininga ako at bumalik sa  trabahong pansamantala kong naiwan. Pagdating sa kitchen ng financial department ay naabutan ko ang isang bulto ng lalaki na nakatalikod mula sa'kin. Dahan-dahan akong pumasok at tahimik na sanang ipagpapatuloy ang trabaho nang lumingon siya sa akin.

Bahagya akong napatalon sa gulat nang makita ang pamilyar na mukha.

"Oh hi, Inah," nakangiting bati niya sa akin.

I ransacked my brain, searching for his name. Sino nga ba ulit siya?

"Ah, Nolan!" wika ko nang maalala ang lalaking tumulong sa akin noon sa paglalagay ng mga papeles sa parehong department.

Ngumisi siya at sumandal sa sink. "I'm glad you remember me."

Ngumiti ako. "Oo naman."

Ang ginawang kape ay hindi niya na nabigyan ng pansin. "Bibihira kita makita dito, ah," puna niya.

Tumango ako at pasimpleng bumalik sa pagmo-mop ng sahig. "Mas madalas kasing sa opisina ako ni Mr. Brockmann naka-assign."

"Kaya pala," pagtango niya. "By the way, lunch tayo later? My treat."

Tipid at hilaw akong ngumisi sa kanya. "Pasensya na. Hindi ko ata mapapaunlakan ang paanyaya mo. Salamat na lang."

"Bakit naman?"

Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin. "May mga trabaho pa kasi akong kailangan tapusin."

"Sabay-sabay naman ang break at lunch time natin, ah."

Napakamot ako sa ulo, naghahanap ng magandang palusot. "Ah, kasi... may hindi ako natapos na trabaho kahapon at kailangan ko iyong matapos mamaya. Kailangan na raw iyon bukas."

"Tulungan na kita," pagpresinta niya pa. "Ano bang gagawin?"

Umiling ako. "Hindi na. Kaya ko na naman. Tsaka baka mapagalitan pa ako ni Mr. Brockmann."

He scowled. "Okay. If you said so." Dinampot niya ang ginawa niyang kape. "Kung ganoon, kailan ka ba pwede? Labas naman tayong dalawa. Libre ko."

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Sorry, Nolan. Pero napaka-busy ko talagang tao."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon