Chapter 2

13.2K 193 8
                                    

Chapter 2
Mauve

"Trish, ayos lang ba talaga na dito ako tumira sayo?"

Huminto siya sa pagpapatong ng mga magazine at tinignan ako. "Oo naman. Ako lang naman ang nakatira dito and aside from that ay partly kasalanan ko rin kung bakit ka nagtatago ngayon."

"Ako ang may kasalanan," pag-ako ko at nanghihinang napaupo sa sofa.

"No, Inah. You were just being protective to me as always."

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil pakiramdam ko ay wala na akong enerhiya. Kakaalis ko lang sa boarding house na tinutuluyan ko dahil nga sa pagkalat ng eskandalong kinasangkutan ko. Mula nang dumating ako dito sa condo ni Trisha ay hindi na ako nakaalis pa.

Katunayan ay sila pa nina Kyla at Philippe ang kumuha ng mga gamit ko doon sa tinutuluyan kong boarding house at binayaran na rin daw nila lahat ng kailangan kong bayaran.

"Huwag ka na ngang ma-emo, girl," pagsulpot ni Philippe galing sa kusina kasama si Kyla. Umupo siya sa tabi ko. "Hindi ka namin kailanman ibubuking. The deal is tempting but we love you. Ayaw namin magkaroon ng kaibigan na nakakulong."

"Kulong agad? Baka pwede niya namang mapakiusapan si Mr. Brockmann," singit ni Kyla na nakaupo sa kaharap kong sofa.

"Duh," pag-irap ni Trisha. "Paano mo siya mapapakiusapan? E, kitang-kita nga ang galit niya kay Inah dahil hindi natuloy ang kasal nila nang Nabila Scottoline na 'yon."

"Sabagay," pagbuntong hininga ni Kyla. "Ang swerte nga ni Nabila."

"Correct ka diyan, girl," mabilis na pagsang-ayon ni Philippe kay Kyla. "Ang gwapo at ang macho kaya ni Felix Brockmann!"

Tipid akong napangiti. Hindi pa rin nagbabago ang baklang ito. Masyadong marupok pagdating sa lalaki.

Ini-on ni Kyla ang TV at tahimik kaming nanood ng pelikulang hindi ko naman masundan.

Paano kung magtagpo ang landas namin ni Felix Brockmann? Ano na lang ang gagawin ko? Baka nga pwede ko siyang pakiusapan na lang na huwag akong kasuhan. Pero posible ba 'yon? Sinira ko lang naman ang kasal niya.

Bumalik ang atensyon ko sa TV at nakita ang breaking news.

"Kinumpirma na nga ng mga Scottoline na tuluyan nang walang magaganap na kasalan at merging sa pagitan ng kanilang kompanya at sa Brockmann Company. Ito ay matapos nang nangyaring eskandalo sa kasal nina Mr. Felix Roberto Brockmann at Miss Nabila Scottoline kamakailan lamang. Sinasabing hindi pa rin nahahanap ang babaeng naging dahilan ng kaguluhan. At kasalukuyang nasa labas ng bansa ang panig ng mga Scottoline habang wala pa ring balita kay Mr. Felix Brockma-"

Hindi pa man tapos ang balita ay pinatay na ito ni Trisha. "Puro na naman tungkol sa mga pamilyang 'yan ang issue."

"Malamang. Most awaited wedding nga 'yan, 'di ba?" paalala ni Kyla.

"Their family is just both powerful. Bukod doon ay wala naman nang ibang special sa Felix at sa Nabila na 'yan. So why is that such an issue?"

At some point ay tama si Trisha. Walang ibang special sa pamilyang iyan maliban na lang sa parehong makapangyarihan at mapera. Now I wonder, gagamitin kaya nila ang kapangyarihan nila laban sakin?

Of course, Inah! What do you expect? Pinatungan ka na nga ng pera sa ulo mo ni Felix, 'di ba?

"Good morning Inah," bati sakin ni Trisha pagkalabas ko sa guest room. Nakasuot pa siya ng pantulog at may nakasabit na tuwalya sa balikat niya.

"Morning, Trish."

"I'm going to work today so ikaw muna ang maiiwan dito. And eight na ng gabi ang uwi ko so if you're already hungry, you can eat without me. May mga pagkain naman diyan sa ref na pwedeng lutuin."

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon