Chapter 9

9.4K 149 3
                                    

Chapter 9
Not Over

Sir Felix giving me salary is one thing and working in his house as his maid is another thing. But the salary is too good!

Kapag tinanggap ko ang trabahong sinasabi ni Lisa ay mas mabilis kong maipapa-opera ang tatay kong may cancer. At mas masusuportahan ko ang paggamot rin kay Izzie at ang pag-aaral ng mga kapatid ko.

"Nakapag-decide ka na ba?" tanong ni Trisha matapos kong ibalita sa kanila ang sinabi ni Lisa.

"Hindi pa," pag-iling ko. "Sabi naman ni Lisa hindi rin naman siya sigurado kong gagawin nga ni Sir Felix ang sinuggest ni Sir Warren."

Narinig lang iyon ni Lisa pero walang kasiguraduhan na susundin ni Sir Felix ang mga suhestiyon ni Sir Warren.

And knowing that arrogant brute, he won't listen to his friend most probably. He doesn't look like the kind of person who listens to others. He do what he wants.

"What if Felix consider Warren's suggestion? Tutuloy ka?" tanong naman ni Kyla.

Pabagsak akong naupo sa sofa katabi ni Phil. "Oo naman. Malaking pera ang kapalit no'n."

Tumango si Phil. "That huge amount of money would do huge amount of good things to you too." Ipinitik niya ang mga kamay niya sa ere. "And Felix might even fall in love with you! Edi asawa ka na ng bilyonaryo."

Kaagad na binato ni Kyla ng throw pillow si Phil. "Ang harot mo naman talaga, Felipe! Pera ang habol ni Inah hindi 'yong tao."

Umirap si Phil. "Kapag hinabol niya 'yong tao edi magkakaroon siya ng pera! Kaya akitin mo na lang girl si Felix," pagkindat niya sakin.

"No way," mariing pagtutol ko.

"Arte nito," pag-irap niya pa.

Desperada ako pero hindi na ako magkakamaling gawin ulit ang ginawa ko noong una. I felt stupid kissing him, what more if I seduce him? No way. Never. Ever.

Isipin ko pa man lang nga ay kinikilabutan na ako. At ayoko na ring mainsulto ulit at matapunan ng mga masasakit na salita. Ibang klase pa naman ang bibig ng lalaking 'yon.

Naglilinis ako ng kitchen sa marketing department nang lumapit sakin ang isang babaeng hindi ko kilala.

"Mauve, pinapatawag ka daw ni Sir sa opisina niya."

Tumango ako at nagpasalamat. Mabilis kong tinapos ang paglilinis na ginagawa ko saka bitbit pa ang garbage bag na pumunta sa opisina ni Sir Felix.

Alas nuwebe pa lang ng umaga pero tagaktak na ang pawis na nakuha ko dahil sa pagt-trabaho. Bukod sa pagiging utusan at janitress sa floor ng opisina ni Sir Felix ay naging janitress na rin ako sa ibang floors. Depende kung saan ako gustong paglinisin ng maarte kong amo.

"Where the fuck is she?!" dinig kong sigaw niya pagkabukas ko pa lang ng pinto. "Why is she not fucking here yet?! She's fucking wasting my time!"

"Sorry, Sir," paumanhin ko at kaagad na yumuko.

Umagang-umaga pero ang kunot niyang noo at mataas na boses ay nagpapahiwatig na iritado na naman siya at galit sa mundo. Hindi ko maisip kung bakit ganyan ang pagsalubong niya sa mga dumarating na araw.

Looks like the arrogant brute isn't optimistic at all.

Natigilan siya at naramdaman ko ang pagpihit niya paharap sakin. "What took you so fucking long?"

"Sorry po. Tinapos ko lang ang trabaho ko sa kitchen ng marketing department."

Tinanggal ko ang mga gloves sa kamay ko at inilagay iyon sa bulsa ng suot kong uniporme. Medyo madumi na kasi iyon at baka mapuna niya na naman. Mapagsabihan na naman ako.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon