Chapter 13
PulaHindi mabura ang mga ngiti sa labi ko matapos bilangin ang lahat ng perang galing sa mga trabaho ko. Malaki ang sweldo ko mula kay Sir Felix at ganoon din si bar. At kahit na hindi naman gan'on kalaki ang sweldo sa convenience store, flower shop at parlor ay nakadagdag pa rin iyon sa perang naipon ko.
So far, I got twenty five thousand for the whole month. Binawasan ko iyon ng three thousand para ibigay kay Trish bilang hati sa pakikitira sa condo niya at sa iba pang gastusin. Kung tutuusin ay napakaliit nga ng ambag ko. But she insisted on it.
Makakapagpadala na ulit ako ng pera sa pamilya ko sa probinsya. But thinking of them, twenty two thousand is not enough. Sa maintenance medicine pa lang ni Papa o ng kapatid ko ay kulang na kulang na iyon. But what can I do? Halos buong araw na akong nagt-trabaho.
Kung pwede nga lang hatiin ang katawan ko para mas madaming trabaho ang magawa ko ay gagawin ko. Kaso hindi pwede at hindi kaya.
"Shit," pagmumura ko nang lalo pang lumakas ang ulan.
Male-late na ako sa trabaho sa opisina at wala pa akong dalang payong. At sa kalagayan ng panahon ay mukhang hindi titigil ang pagbagsak ng ulan. Masyadong madilim ang kalangitan. Simula pa kagabi bumubuhos ang ulan pero hindi ko naman inasahang ganito ito kalakas ngayon.
I am left with no choice. Kaya naman sinagupa ko na ang ulan. Tumakbo ako ng tumakbo sa ilalim ng malakas na ulan. Tumitigil pansamantala kapag may masisilungan saka babalik sa pagtakbo kapag nakapagpahinga ng kaunti.
At kung minamalas ka nga naman, kahit anong bilis ng takbo ang ginawa ko ay late pa rin akong nakarating sa opisina. Pinagtitinginan pa ako ng mga empleyado dahil sa labis na pagkabasa ko. Mabuti na lang at kahit papano ay binigyan ako ni Kuya Biboy ng towel na kasinglaki lang ng panyo na ginamit ko para matuyo kahit papaano.
Ang nadadaanan kong malinis na sahig ay nagiging madumi dahil sa putik na dala ng sapatos ko. Tumutulo na rin ang tubig mula sa basang-basa kong damit at buhok.
Dumiretso na kaagad ako sa opisina ni Sir Felix para sana humingi ng pasensya at magpaliwanag. Pero mura kaagad ang sumalubong sakin.
"Fuck!"
Kaagad akong napayuko at iniyakap ang towel sakin dahil sa lamig na naramdaman lalo pa't naka-on pa ang aircon.
"Pasensya na po talaga kung sobrang late ako. Masyado po kasi talagang malakas ang ulan ka-"
"Fuck it! I can tolerate you being late but I can't tolerate you coming here in my office like that."
"Po?" pag-angat ko ng tingin sa kanya. Hindi maintindihan ang sinasabi niya.
He quickly looked away and licked his lower lip. I even saw how his Adam's apple move. "I said don't come here at that... state." His voice soften.
"Alin po, Sir?" kunot noong tanong kong hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
Matalim niya akong tinignan ng diretso sa mata. "Don't fucking go here as wet as that! I can fucking see your brassiere from here!"
Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napatingin ako sa sarili ko at nakitang bumabakat nga ang pula kong bra sa puti kong t-shirt. Itinakip ko ang maliit na towel sa harapan ko.
"Pasensya na po. Hindi ko sinasadya. Hindi na po talaga mauulit. Aalis na po ako," paalam ko at hindi na inantay pa ang pagsang-ayon niya.
Dumiretso ako sa opisina ni Lisa na napanganga rin nang makita ako.
Kaagad niya akong dinaluhan. "Anong nangyari sayo? Bakit basang basa ka?"
"Sinagupa ko kasi ang malakas na ulan. No choice e," paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...