Chapter 42

8K 127 14
                                    

Chapter 42
Selfish

Felix stayed with me until my family got home one by one. And now we are all in the dining table facing everyone to explain what the hell is happening.

Kitang-kita ko ang pagtataka, kaguluhan at pagtatanong sa mga mata ng pamilya ko. Mas lalo tuloy akong kinakabahan kung paano ko ipapakilala si Felix sa kanila. Nakailang lunok at tikhim na ako bago tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob.

I cleared my throat for the nth time. "Uh... si Felix po b-boyfriend ko."

"Magandang gabi po," bati ni Felix sa lahat.

For a moment I thought it would be awkward or atleast something bad might happen. But what exactly happened is the exact opposite of my expectation.

"Magandang gabi rin sayo," bati pabalik ni Papa.

"Magandang gabi rin sayo," wika naman ni Mama. "Kumain muna tayo habang nagkwe-kwentuhan para hindi lumamig ang pagkain."

Nakahinga ako ng maluwag sa magandang pagtanggap nina Mama at Papa sa bisita. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling hindi nila nagustuhan ang pagpapakilala ko.

Nagdasal kami ng ilang segundo bago tuluyang nagsimulang kumain. Sa kabutihang palad ay mukhang hindi naman naiilang ang katabi ko. Feel at home ang Felix na 'to.

"Kailan kayo nagkakilala?" panimula ni Mama sa interogasyon.

"Ah Hulyo pa po," sagot ko. Noong pinairal ko na naman ang katangahan ko at nanira ng kasal.

"Paano kayo nagkakilala?"

Napatingin ako kay Ate Irah saka tumingin sa katabi ko. Frankly speaking, hindi kami nag-rehearse ng sasabihin. Hindi namin alam kung sasabihin ang totoo o magsisinungaling na lang.

"I'm his boss," naunang sagot ni Felix. "She became an employee on my company. That's how we met."

But we both know that is a big lie.

Lahat kami ay napatingin kay Papa nang ibaba niya ang hawak na kubyertos at sadyang umubo. "Hijo, didiretsuhin na kita."

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Felix sa kaliwang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Tumingin ako sa kanya pero nakatuon ang buong atensyon niya kay Papa.

Tahimik ang mga nakababata kong kapatid na nanonood at bahagyang nakikinig lang sa'min.

"Iyang anak kong si Inah..." sabay tango ni Papa sa direksyon ko, "... napakahalaga niya sa pamilya namin. Itinataguyod niya ang pagpapagamot sa'kin at sa kapatid niya. Sinusuportahan niya rin ang pagkabuhay namin. Siya rin ang nagpapaaral sa mga kapatid niya dahil hindi sapat ang kinikita namin sa bukid.

"Alam mo na... matanda na kami kaya hindi na rin makakahanap pa ng ibang trabaho. Simula pagkabata niya ay naging masunurin siya at palagi niyang inuuna ang pamilya. Palagi rin siyang nagpaparaya sa mga kapatid niya. Tumigil siya sa pag-aaral sa kolehiyo para patapusin at patuloy na makapag-aral ang mga kapatid niya. Kaya walang-wala kaming problema sa kanya."

Nakita ko ang bulto ng ngiti sa gilid ng mga labi ng katabi ko. Habang ako naman ay nakaramdam ng hiya na gumagapang sa sistema ko.

Hindi naman nakakahiya ang mga sinasabi ni Papa. Actually, dapat nga ay maging masaya ako dahil puro iyon positibo. Pero ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng hiya ngayong pinapaulanan niya ako ng papuri sa harap mismo ni Felix.

"Bukod pa doon ay likas na napakasipag niya. Pinipilit niyang magtrabaho maghapon kahit hanggang gabi para lang maitaguyod kami. Naiisip mo ba kung gaano kahirap 'yon? Ako nga na isa lang na trabaho sobrang napapagod na. At alam mo bang ang hirap noon para sa akin na isang magulang? Dahil habang kami nagpapahinga, iyong anak ko nagt-trabaho para mabuhay kami.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon