Chapter 22
SundoSumunod ako kay Sir Felix papunta sa opisina niya. Dire-diretso siya sa kanyang swivel chair habang tuwid naman akong tumayo sa harap niya para antayin kung ano ang iuutos niya.
He lazily opened his laptop and faced it to me. "Read all the e-mails and respond to it if it is needed. If it's personal then just leave all the replying to me."
"Pwede po bang doon ko na lang ito sa opisina ni Lisa gawin?"
Nangunot ang noo niya at sinulyapan ang paligid. "What's wrong with my office?"
I bit my lower lip and shook my head. Wala naman talagang problema sa opisina niya. Dahil ang problema ay nasa akin mismo. Siguradong hindi kasi ako magiging komportable dahil sa katahimikan. Palagi kasin akong na-co-concious kapag nasa paligid siya na para bang palagi siyang may mapupunang mali sa'kin.
Nag-aalangan kong dinampot ang laptop niya at dinala sa coffee table sa gitna ng sofa set. Tumikhim ako at kaagad na binuksan ang Gmail account niya. Habang siya naman ay narinig kong naging abala sa telepono dahil mukhang may inuutos sa kung sino mang nasa kabilang linya.
Hindi ito ang unang beses na inutusan niya akong mag-respond sa mga emails niya pero talagang nalulula pa rin ako sa dami ng mga natatanggap niyang mensahe. Karamihan doon ay tungkol sa mga business pero mayroon ding mga mensahe na galing sa iilang babae at kaibigan ata. At dahil nga inuutusan niya akong basahin ang mga mensaheng iyon ay hindi nakakaligtas ang mga pribadong mensaheng ganoon.
Kaagad akong tumayo nang marinig ang pagkatok ng kung sino sa labas. Nang makitang isa iyong naka-unipormeng janitor na may dalang pagkain ay kaagad akong tumabi. Ngumiti pa sa'kin ang empleyado na sinuklian ko na lang din ng tipid na ngiti.
"Magandang tanghali, Sir. Ito na po ang pinabili niyong pagkain."
I went back in front of my work while they talked about the food just delivered. Napalunok ako nang maamoy ang mabangong aroma ng mga pagkain na ngayon ay binubuksan na nila doon sa mesa ni Sir Felix. Nagutom tuloy ako at napahiling na lang na sana naman ay makaya kong tiisin ang gutom.
I shook my head after reading another personal mail sent by another woman. The woman is inviting him into a yatch party and is asking if he can be her date. Ilang beses na akong nakabasa ng ganitong mensahe at hindi ko alam kung ano ang mga ni-re-reply ni Sir Felix. Hindi ko rin naman kasi ugaling makisawsaw pa sa pribado niyang buhay.
"Eat, woman."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya na ngayon ay nakatingin sa'kin. Wala na ang janitor na naghatid ng mga pagkain na ngayon ay pumuno na sa mesa niya. He started picking up the utensils while I still look at him confused.
"Po?" paglilinaw ko.
Napahinto siya sa ginagawa at mariin akong binalikan ng tingin. "I said eat," he repeated in a more emphasized tone.
"Kumain na po ako."
"Don't lie to me. I know you haven't eaten yet." He crossed his arms on his chest and held his head high, as if challenging me. "If you really ate already then tell me what you had for lunch."
Napakagat labi ako. Hindi dahil hindi ako makasagot kung hindi dahil sa tono niya na hindi ko alam kung bakit ganoon. He doesn't usually sound like that. Iyong parang nanghahamon.
"See? You can't answer me because you didn't eat yet."
"Kumain na po talaga-"
But I was cutted off when my stomach rumbled. Mariin kong nakagat ang labi ko dahil sa wrong timing na pag-aalburuto ng tiyan ko. Bakit ngayon pa?!
BINABASA MO ANG
The Wedding Crasher
RomanceAn accidental mistake leads to something more dangerous and more thrilling. Inah Mauve Mangaldan was supposed to stop the wedding of her bestfriend's boyfriend. But everything went upside down when she realized she made a mistake. Because she ruined...