Chapter 8

9.4K 150 16
                                    

Chapter 8
News

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Ilang minuto na lang ay alas singko na. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho ko sa bar pero wala pa namang sinasabi sa akin si Lisa.

Kasalukuyan pa rin kasing nakatutok sa ginagawa si Sir Felix at ganoon din si Lisa. Bwiset na buhay naman kasi! Mababawasan ang sweldo ko kapag late akong dumating doon.

Nagt-trabaho nga ako ng maigi sa abot ng aking makakaya para makapag-ipon ng maraming pera. Tapos magsasayang lang ako ng oras sa trabahong hindi naman ako binabayaran.

Oh, shut up, Inah! Kasalanan mo rin naman iyon. Kaya huwag kang reklamo ng reklamo! Kung sana hindi mo pinapairal ang katangahan mo edi sana matiwasay kang nabubuhay ngayon! So you really don't have the right to demand!

"Uh, Lisa," kalabit ko kay Lisa nang hindi na ako makatiis.

"Bakit?" tanong niya pabalik na hindi man lang ako tinignan. Ang kanyang buong atensiyon ay nasa laptop na kaharap.

"Uhm, ano kasi sabi mo kanina hanggang alas singko lang ako. Ano kasi... may trabaho pa ako."

Tila natauhan siya dahil sa sinabi ko. She quickly looked at her wristwatch. "Sorry, hindi ko napansin!" Tumayo siya at lumapit kay Sir Felix. "Excuse me, Sir. I just wanna ask if Inah can already leave? She had another job at five o'clock and it's already quarter."

"Then let her leave," malamig na pagputol ni Sir Felix sa sinasabi ni Lisa. Ni hindi man lang siya natinag mula sa ginagawa.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Thank you, Sir," at bahagya pa akong yumuko. I mouthed thank you too at Lisa who just smiled at me.

Hindi pa man nakakalayo para pumunta sa elevator ay narinig ko ang mga sigaw ni Sir Felix.

"I need to fucking leave! Send all the works I have to do at my e-mail! Fuck! Shit! Fucking shit!"

Kumunot ang noo ko.

Bakit ba siya mura ng mura? Ang laki ng problema sa mundo. Hindi ko maintindihan kung bakit palaging may mga hindi magandang salitang lumalabas sa bibig niya.

Katulad ng kinasanayan ay wala pa masyadong customer sa bar kaya nakatuon ang lahat sa pag-aayos at paglilinis.

I'm not really assigned to any task in particular. But since I really want to earn money that much, I am working very hard. Pagkatapos maglinis at mag-ayos ng mga mesa, magmo-mop naman o kung ano pang gawain.

Maayos rin naman ang pakikisama ko sa mga kapwa katrabaho. Fortunately ay wala namang nakakakilala sa totoo kong pagkatao sa lugar na 'to.

If there's one thing I want to thank Sir Felix for, it's the idea that he didn't reveal my personality. Hindi niya idinetalye ang tungkol sakin sa nangyaring biglaang conference kung saan ay napilitan siyang sagutin ang ilang katanungan tungkol sakin.

Kung matatanaw man iyon bilang utang na loob, then fine! May utang na loob ako sa kanya.

"Mauve, can I have a minute with you?" tawag sakin ni Tita Loren habang inaayos ko ang mga high chairs.

Pinagpag ko ang mga kamay ko dahil sa mga alikabok na kumapit na nakuha ko mula sa paglilinis. "Bakit po?"

She walked into a corner.

So I followed.

"Nabalitaan ko iyong tungkol sa gulong kinakasangkutan mo. Is it settled now?"

Hindi ko masisisi si Tita Loren kung napapraning man siya sa mga posibleng mangyari. Alam kong natatakot siya na baka madamay ko pa siya o ang negosyo niya sa gulo na napasok ko. I would also totally understand if she want me gone.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon