Chapter 15

9.1K 183 26
                                    

Chapter 15
Sick

Habang kumakain ako ay nagt-trabaho pa rin ako. Nakakahiya naman kasi sa ibang katulong. Ayokong mag-feeling special.

"Mabuti nga't pinayagan ka ni Sir na kumain. Talagang namumutla ka," puna ni Eliza habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng pinaghugasan.

"Puyat lang talaga ako kaya ganito," paliwanag ko. "Saka nahihilo ako sa dami ng tao sa labas."

"Oo nga. Nakakahilo talaga sila sa dami. Dumalo ata lahat ng tao sa kompanya tapos isama pa iyong mga personal na inimbitahan ni Sir Felix."

Muli akong sumubo ng pagkain dahil hindi pa naman siya natatapos magbanlaw. "Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Huwag mo akong intindihin. Busog pa ako."

Pagkatapos ko kumain at magtrabaho sa kusina ay muli akong lumabas sa garden kung nasaan ang party. Medyo nabawasan na ang tao dahil alas otso pasado na rin nang makita ko ang relo sa sala.

"Mauve!" Kumaway sa'kin ni Warren na nakaupo sa table kasama ang ilan pang lalaki kasama na si Sir Felix.

"Good evening, Sir. May kailangan po ba kayo?" pormal kong tanong nang makalapit.

"Wala naman. Pinakain ka na ba nitong si Felix? Nasabi kasi kanina ni Lisa na labis ang pamumutla mo."

"Tapos na po akong kumain," pagtango ko. "At maayos naman po ang pakiramdam ko. Puyat lang po siguro."

Tumawa ang isang lalaking natatandaan kong nakita ko na rin sa bar noon. "Pinupuyat ka ba nitong si Felix, Miss?"

Humagalpak sa tawa ang buong mesa kaya naman medyo pinagtinginan kami. Habang si Sir Felix ay masama ang tingin sakin.

"Can't you just fucking stay in the kitchen, woman? You're not needed here anyway."

Yumuko ako, napapahiya. "S-sorry po, Sir."

"Felix naman! Masyado kang mahigpit sa kanya," narinig ko pang komento ng isang lalaki habang paalis ako.

Katulad ng sinabi ni Sir Felix ay sa kusina na lang ako nag-stay. Tss. Kinakahiya pa ata ako bilang katulong niya. Gan'on ba kababa ang tingin niya sakin? Tss. Impakto talaga ang lalaking 'yon. Porket sawi. Sawi!

"Mauve, pasuyo naman ako. Pakidala nitong alak sa table nina Sir Felix," pakiusap ni Eliza.

"Pero kasi sabi niya dito lang daw ako sa kusina magtrabaho," dahilan ko.

"Bakit daw? Ihahatid mo lang naman ito. Tsaka wala na rin namang gagawin dito sa kusina kaya sa labas na tayo mag-aasikaso."

Tumango ako at inabot ang alak. "Sige."

Pag-apak ko pa lang sa garden ay nakita kong kaagad na tumama sakin ang paningin ni Sir Felix. He stared at me as I walk through their table. Pagkadating sa lamesa nila ay nahihiya ko iyong inilapag.

"Ito na po ang iniutos niyo."

"I told you to stay in the kitchen, didn't I?"

Yumuko ako, napapahiya na naman sa mga kasama niya. "Wala na rin naman po kasing gagawin sa kusina. Nandito na po sa labas ang trabaho."

"Oo nga naman, Felix," pagsang-ayon ng isang lalaking hindi ko kilala.

"Sige po," paalam ko at lumapit sa buffet table kung nasaan sina Eliza at iba pang kasambahay.

Inaayos nila ang natitira pang pagkain at ang iba naman ay nagpupunas ng mesang bakante na. Nasa pitong table na lang ang inuukupa ng mga bisita. At lahat sila ay nag-iinuman na lang rin.

The Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon