Chapter One

2.1K 59 44
                                    

W A R N I N G‼️

The content and discussion of this story is not suitable for kids. There are so many foul words that, I know some of you will not like it. Sexual abuse, assault, cheating are some topics mentioned within this story. If you feel triggered, please, leave this story immediately.

I am not promoting any topics that are mentioned in my story. I just write this to express my ideas and feelings. Hindi ako pinatatahimik ng story na ito. I already gave you my warning. Kung ipinagpatuloy mo pa rin ang pagbabasa nito ay wala na akong magagawa pa roon.

Hindi ako ganun kagaling mag-english kaya ngayon pa lang ay gusto ko ng humingi ng pasensya kung maguguluhan kayo minsan sa mga salita na gagamitin ko dito. Isinulat ko ito na wala akong kahit sinong ginagambala at binabastos kaya sana ay ganun din kayo sa akin. Maraming salamat!!!

CHAPTER ONE

"Mommy! Mommy! I brought you a cake!"

Naalimpungatan ako sa sigaw na nanggagaling sa labas ng kwarto ko. Dali-dali akong tumayo upang mapagbuksan ng pinto ang maliit na nilalang na nasa labas nito.

Muntik na 'kong matumba ng bigla akong dinaluhan ng aking anak na si Amirn. Tuwang tuwa siyang makitang muntik na 'kong mapasalampak sa sahig. Wearing her pink pigtails she smiled at me cutely. I pinch her cheeks but she push me again and this time hindi ko na nabuhat ang sarili ko at napa-upo na talaga sa lapag.

"Opss! Mommy! Dirty ang floor! C'mon, stand up!" Humahagikgik na aniya

Natatawang tumayo ako at nagpagpag ng likuran. I scooped her in my arms and kissed her neck non-stop. Tili naman siya nang tili kaya mas lalo akong nasiyahan sa pagpapak sa kan'yang leeg.

"No! Mommy naman eh! Are you a vampire po ba? Oh my! My mommy is a vampiiirreee!"

Tawa ako nang tawa sa ka-cute-an ng aking anak. Amirn Grace Echauz Bustamante is a four year old kid. She's bubbly and so energetic. Wala na 'kong mahihiling pa sa aking anak dahil simula ng dumating siya ay mas nagliwanag ang buhay ko.

"Where's my cake baby Ami ko?" I asked her after putting her down on the floor.

Dali dali siyang tumakbo pababa at dahil sa takot ko na baka mahulog siya ay agad ko siyang sinundan.

"Careful, Amirn Grace!" I shrieked when I saw that she almost fell on the floor because of her fast running.

She just chuckled and wink at me. Pasaway na bata talaga, oo!

Nang makarating kami sa kusina ay nakita ko si manang Edna na naghihiwa ng cake na sinasabi ni Ami, nakabusangot ang aking anak ng humarap siya sa akin. I lifted my brow on her but she just rolled her eyes towards at manang Edna's direction.

"What's wrong, Ami?"

"My, lola Edna sliced the cake already! How am I supposed to surprise you if you didn't see how beautiful the design of the cake is?!"  Nagmamaktol na aniya.

Nakita ko namang napakamot sa ulo si manang at parang na-guilty. Agad kong dinaluhan si Ami at hinalikan sa pisngi. Kapag ganitong iritado siya ay kasunod nito ang pagluha niya. Hindi naman ako nagkamali dahil bigla na lamang siyang humikbi at sumubsob sa leeg ko. Naramdaman kong nabasa ang aking leeg kaya agad ko siyang iniharap sa akin.

"Honey, it's okay. Even if I didn't see how beautiful it is the mere fact that you brought your mother a cake without me knowing that's already a surprise for me." I smiled at her and kissed her lips.

"Is that so? Na-souprise ko mommy ko? But wait, who is honey? Amirn Grace is my name, mommy!" Nagmamaktol ulit na sabi niya. I sighed, hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o maiinis sa anak kong ito.

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon