CHAPTER FIVE
Hi, guys! I want you to meet, Amirn Grace Echauz Bustamante.•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
"Ami! Nakikipagsuntukan daw sa canteen 'yong bebe mo!"
Dali dali kong inayos ang gamit ko at sumama kay Maria, ang nag-iisang kabigan ko sa campus na ito maliban kay Louigie at Burn.
Lakad takbo na ang ginawa namin upang makarating agad. Hinihingal na hinawi namin ni Maria ang mga taong nakaharang sa canteen. May iba pa ngang halos saktan na kami sa lakas ng pagkakatulak namin. Pagkarating sa gitna ay gan'on na lang ang aking pamumutla ng makitang sumusuka na ng dugo si Burn. Nakaluhod sa sahig habang sapo ang kan'yang dibdib.
"Burn!"
Tiling tawag ko sa kan'yang pangalan. Napalingon siya agad sa aking direksyon at nanlaki ang mga mata.
Dinaluhan ko siya at kumuha ng panyo sa aking bulsa upang mapunasan ang kanyang bibig. Hindi na 'ko nagulat ng hindi pa lumalapat ang aking kamay sa kanyang bibig ay mabilis na niya itong tinabig. Ibinigay 'ko na lamang sa kanya ang panyo ngunit itinapon niya lang ito. Nag-aalalang tinignan ko siya pero nag-iwas lamang siya ng tingin.
"Ang yabang mo! Ano?! Tumayo ka d'yan! Lampa ka naman palang gago ka eh! Sa susunod kikilalanin mo ang babanggain mo!"
Galit na sigaw sa kan'ya ng lalaking nasa harap namin. Eto siguro ang nakasuntukan niya. Sa laki ng katawan nito, I doubt if he can win on this guy. This guy is too bulky, masyadong matikas at malalaki ang muscle sa malapitan. Nang umalis ito ay siya ring tayo ni Burn, nagpagpag ng kanyang likuran at nagsimula ng humakbang paalis ng canteen.
I don't know where he was going but I'm still following him. Nag-aalala ako sa dugo na hanggang ngayon ay hindi niya pinupunasan ng maayos. Napatigil siya sa paglalakad at napa-ubo. I gasped when I saw a blood on his cough. Purong dugo na sa sobrang dami ay kinakabahan ako baka may na-damage na sa kan'yang loob at ito ay malala. Kumuha ako ng tubig sa aking bag at ibinigay sa kan'ya na pabalya naman niyang kinuha at ininom. Nang maubos ang laman nito ay agad niyang itinapon ito sa kung saan.
"Burn, how are you feeling? Punta tayong clinic, please."
Tinapik ko ang kan'yang likod at iniabot muli ang aking puting panyo, nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi niya tinabig ito. Nang matapos siyang magpunas ay tumayo siya ng tuwid at nagsimula na ulit maglakad.
"Umuwi ka na. Huwag mo 'kong sundan nang sundan!"
"Pero Burn, papaano ka? Umuubo ka ng dugo! Tingin mo ba mananahimik lang ako at hahayaan ka? Tara na kasi sa clinic, please."
Hinawakan ko ang kan'yang braso pero tinabig niya lang ako. Dinutdot niya ang noo ko at itinulak palayo sa kaniya.
"Tanginang 'yan! Ikakasal na nga tayo next month tapos dikit ka pa rin nang dikit sa'kin?! Ano?! Ayaw mo 'kong bigyan kahit katiting na kalayaan?! Bwiset na buhay 'to!"
Ginulo niya ang kan'yang buhok at akmang susuntukin ako kaya napapikit ako. Isa, dalawa, tatlong minuto ang nagdaan pero walang kamao ang dumapo sa aking mukha. Pagmulat ko ay nakita ko si Burn na tinitignan ako na para bang ayaw niya 'kong mawala o guni-guni ko lang ba 'to?
Unti-unti siyang lumapit kaya napasandal ako sa pader. Titig na titig siya sa akin, ganun din naman ako sa kaniya.
Mas matangkad sa akin si Burn. Hanggang balikat niya lamang ako. Ibinaba niya ang kanyang ulo upang matitigan pa 'ko ng matagal. Hindi na 'ko mapalagay habang tinitignan siya, bakit pakiramdam 'ko gusto niya rin ako? Bakit nararamdaman 'ko na sa kabila ng masamang trato niya sa akin ay isang taong handa akong mahalin at tanggapin?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unti niyang ibaba ang kanyang labi sa akin. His lips on mine gives me goosebumps.
Padampi-dampi ang kan'yang labi hanggang sa sakupin niya ito ng buo at isandal ako ng mabuti sa pader. I kissed him back. Kinuha niya ang dalawang kamay 'ko at ikinawit sa kanyang leeg. Nanindig ang balahibo ko ng hapitin niya ang aking bewang at haplusin ito ng paulit-ulit. He lick my teeth as a sign that he wanted to enter my mouth fully. I gladly let him in. Sipsip at kagat ang ginawa namin sa isa't-isa. Walang paki-alam kung may makakita ang mahalaga ay maiparamdam namin sa isa't-isa kung gaano kami nananabik sa halikan na namamagitan sa amin.
Halos maiyak ako ng kumawala siya sa aming halikan. Aaminin 'kong isa sa pangarap ko ang mahalikan ni Burnnon. Sino bang hindi? Ang kanyang labi na kahit kailan ay 'di ko nakitang nangitim o pumutla, medyo makapal ang kanyang ibabang labi na palaging may naglalarong makulit na ngisi.
Hawak ko pa rin ang kan'yang batok at hihilahin sanang muli para humalik ay kusa na 'kong napabitaw ng banggitin niya ang mga katagang nakapagpadurog sa puso kong matagal ng durog nang dahil sa kaniya.
"I shouldn't kiss you. Hindi kita mahal. Huwag kang umasa na magiging mabuting asawa ako sa'yo. Ikakasal ako sa'yo pero hindi ikaw ang mahal ko."
Aniya at walang pakundangang kinalas ang aking braso sa kaniyang batok. Wala akong nagawa kundi ang tumulala habang naglalakad siya papalayo sa akin. Pero kahit pala gaano kasakit ang salitang pwedeng sambitin sa'yo ay wala nang mas sasakit pa na harapan mong maramdaman na wala talaga, na yung taong mahal na mahal mo ay hindi ka makakayang mahalin pabalik.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
Ficção GeralLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...