CHAPTER FIFTEEN
"Oo, ang oorderin ko ay kapayapaan sa sarili. Huy, Amillianza! Ano na?" I blinked my eyes several times when I felt that Maria's slightly pinching my hand. I looked at her puzzled for what she did and she just rolled her eyes at me.
"Ano ba 'yang iniisip mo at bakit parang ang lalim naman! Naka-alis na lang yung waiter ay wala ka pa ring imik. Tulala ka lang d'yan!"
I just smiled at her and look at the outside of the resto.
"Alam mo, hindi ka naman mukhang nabugbog ng asawa mo kaya ka wala sa sarili! Let me guess? Hmm, omg! Nag-sex kayo no?!" Agad na napabalik ang tingin ko sa kaniya at pinanlakihan siya ng mga mata. Isigaw ba naman ang bagay na 'yon? Mabuti na lang at wala kaming gaanong kalapit sa aming pwesto dahil kung hindi ay baka naisin ko na lamang na magpakain sa lupa.
"Your mouth, Maria! Ano ka ba naman? Bakit 'yan ang naisip mo agad ha?"
"Sus, alam mo bebe, babae rin ako, okay? At alam ko kung kailan nadiligan sa hindi ang isang babae! Ganyang ganyan ako noong may nangyari sa'min ni--"
Napakunot ako ng noo ng hindi niya natuloy ang kaniyang sinabi. Wait, hindi na siya virgin? Ang sabi niya ay ibibigay niya lang 'to sa magiging asawa niya ah? Sinungaling!
Hinila ko ang kanyang buhok at hinampas siya sa braso kaya agad naman siyang napatili at inalis ang hawak ko sa kaniya.
"Ouch! Ano ba 'yan! Bakit nananakit?! Nagkukwento lang naman ako!"
"Sabi mo virgin ka pa?! Kailan pa nawala?! At sinong naka-galaw sayo? Sumagot ka Mariana Joseffa!"
"Ano ba naman 'yan, magtatanong lang need pa kasama second name? Kainis ka rin talaga eh." She rolled her eyes at me and drink on her glass. Pinaningkitan ko siya ng mata at tinitigan.
"Stop looking at me like that. Hindi ko naman kasalanan na masyado siyang masarap kaya hindi ko nagawang umalma at nagparaya na lang ako."
Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Alam ko kung gaano siya kapilya ngunit hindi ko alam na mas lumala pala siya ngayon!
"Papanagutan ka ba niya? Anong pangalan? Address? Ilang taon na 'yan? Baka naman pamilyado 'yan ha? Nag-uusap ba kayo? Ano?!"
Tumawa siya ng malakas at ibinaba ang basong ininuman niya.
"Daming question naman! Uy! Concern talaga siya sa'kin! Yieeee!" She try to tease me but I just rolled my eyes on her. Ofcourse concern ako sa kaniya! She's like a sister to me.
"Mukha ba 'kong nakikipag-biruan sayo, Mariana Joseffa Castro?" I crossed my arms on my chest and lifted my brow on her. She gave me an awkward smile.
"It's a one night stand, okay? Hindi sinasadya dahil pareho kaming lasing at wala sa sarili. Hindi niya 'ko pananagutan dahil hindi naman ako nabuntis. Stop worrying about me. Yes, kilala mo siya but I rather not to tell you who he is dahil wala rin namang mangyayari. He loves someone else and that someone else is a person who's very close in my heart." Nagyuko siya ng ulo at tumahimik. Nakatitig lamang ako sa kaniya at hindi alam ang aking sasabihin. Alam ko ang pakiramdam na 'yan, yung inalay mo nang lahat na pwedeng mong ibigay ay hindi ka pa rin nagawang mahalin.
Dumating ang aming order at kumain kami ng tahimik. Maka-ilang beses ko siyang nakitang tumingin sa akin ngunit kapag agad akong babaling ng tingin ay siya namang iwas niya. I put down my spoon and fork.
"I was shocked to know that you're not a virgin anymore but I am not judging you for giving your virginity. You will never be a less of a woman because you already gave it up to someone you just met. Just always know na nandito lang ako. Pagkababae mo ang nawala at hindi ang karangalan mo bilang isang babae." I started on eating again.
BINABASA MO ANG
Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED)
General FictionLikas na raw sa atin ang magmahal ng sobra. Kahit na alam nating masasaktan lang tayo sa huli ay sumisige pa rin tayo. Walang pakialam kung matalo ang mahalaga ay nakaramdam at naiparamdam natin ang pagmamahal natin. Amillianza Grace Echauz a woman...