Chapter Fifty

495 9 0
                                        

CHAPTER FIFTY

"Is that what you want? 'yon lang ba ang gusto mo?"

Tila umurong ang luha ko ng sabihin niya ito. H-Hindi siya tutol? Payag na siya?

"Wala na bang ibang gusto ang Amillianza ko? Baby, forgive me because I can't do that. Sabi ko noon na kung magkakaroon ako ng pagkakataon para sundin ang lahat ng gusto mo ay gagawin ko pero hindi ito...babaliin ko muna ang pangako kong iyon dahil ayoko nito. Galit ka? Mananatili ako sa'yo. Nagtatampo ka? Mananatili ako sa'yo. Malungkot ka? Mananatili ako sa'yo. You want to be free?"

He finally let go of my hands and turned around to start walking at the couch. Umupo siya doon at mabilisang pinahid ang kanyang panibagong luha na tumulo sa kanyang mga mata.

"Malaya ka na, hindi na kita hahawakan hanggang hindi mo 'ko pahihintulutan."

"This is not what I'm talking about, Burnnon! Gusto ko ng hiwalay! Ayoko na sa'yo! Hindi mo ba 'ko naririnig?! Bakit ba ang hirap mong kausapin?!"

He sighed deeply and looked at me darkly. Hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan rin ako sa kanya.

"Ikaw lang ang may ayaw sa ating dalawa kasi ako Amillianza, gusto kong manatili sa'yo. Kung nagagalit ka ngayon hahayaan naman kita, Ami...basta huwag mo lang hilingin na makipag-hiwalay ako sa'yo...kasi hindi ko kaya, hindi ako papayag."

"Wala ka namang magagawa kung papapuntahin ko ang abogado ko at sasabihin na gusto ko ng makipag-hiwalay sa'yo. Wala kang magagawa kapag itinuloy ko ang pakikipaghiwalay, Burnnon."

Tumayo siya at hinawi ang mga magazine na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Hindi na ako nagulat ng suntukin niya ang babasaging lamesa at kaagad itong nabasag.

"Burnnon, ano bang ginagawa mo?!"

"Ano pa bang gusto mong gawin ko? I already prove myself to you, baby...hindi lang naman ikaw ang nahihirapan, Ami, ako rin naman! But I don't want a seperation from you! Hindi ako makikipag-hiwalay sa'yo kasi mahal na mahal kita! Bakit ba palagi na lang ganon? Ano?! Magpaparaya ulit ako?! Ayoko na! Hindi puwede! Hindi!"

"Ang kulit mo naman, Burn, I am doing this for us! Para hindi na tayo magkakasakitan pa! Alin sa salitang ayoko na ang hindi mo maintindihan?! I don't want to be with you anymore! I'm done loving you. Tapos na 'kong magpakatanga at mabaliw sa isang taong hindi naman nakikita ang halaga ko."

I harshly wiped away my tears and was about to say something again when Maria entered the room with foods in her hands, sumunod ng pasok si Louigie habang karga ang kanyang anak at si Tiger na karga naman si Amaia.

They looked at us as if we did something wrong. Mabuti na lamang at kapwa tulog na sa kanilang bisig si Amaia at Melaine dahil hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang mga bata kung sila ay magtatanong.

"What the fuck? Anong nangyari dito? Para kayong binagyo!"

Tiger spoke while shaking his head as a sign of dissapointment. Kaagad na inilagay ni Maria ang mga supot ng pagkain sa couch at pumunta sa aking tabi. Animo'y isinasangga niya ang kanyang katawan sa akin. Narinig ko siyang nagsalita.

"Hoy, Burnnon! Ano na namang ginawa mo sa kaibigan ko?! Nawala lang kami saglit tapos ito na kaagad ang bubungad sa amin?! Bumalik ka ba ulit sa pagiging gago mo?!"

I hold Maria's arm and shake it a bit. Lumingon naman siya at tinaasan ako ng kilay.

"Anong ginawa niya sa'yo?! Sinaktan ka ba niya?! Anong masakit, Amillianza?! Sabihin mo!"

Umiling ako ng dalawang beses at hinawakan ang kamay niya.

"No, he didn't do anything to me. Nag-usap lang kami. That's all."

Begging For His Love(EDITING) (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon